Ruru Madrid grieves with death of mentor/manager Direk Maryo J. delos Reyes

IMAGE Noel Orsal

Kapuso actor Ruru Madrid was inconsolable upon learning of the death of his mentor and manager, acclaimed director Maryo J. delos Reyes, who passed away last night, Saturday, January 27, at the age of 65.


Inconsolable si Ruru Madrid sa biglaang pagkamatay kagabi sa Dipolog City ng kanyang mentor at manager, ang multi-awarded director na si Maryo J. delos Reyes.

Nag-post siya sa kanyang Instagram account ng litrato nilang dalawa, kasama na rin ang kanyang mensahe para sa yumaong direktor. 

Hindi ko alam kung ano ang gagawin at mararamdaman ko ngayon pero gusto ko lang yakapin ka Direk Maryo. Ikaw ang dahilan kung bakit ako nandito sa kung nasaan ako ngayon kung anong meron ako ngayon ikaw ang dahilan nun... Napaka swerte ko dahil nakilala kita ikaw ang naging mentor ko hindi lamang sa industriyang ito kundi pati na rin sa buhay ko.. Alam ko na hindi ko madalas nasasabi sayo ang salitang Mahal kita , alam ko na hindi ko lagi napaparamdam sayo kung gaano kita kamahal pero Mahal na mahal po kita napaka laking tulong ang binigay mo sa akin hindi lang sa akin ganun na rin po sa aking pamilya, kahapon nung papunta ako sa ilo-ilo napaka laki ng airport pero nagkita pa tayo at niyakap mo ako ng mahigpit kung alam ko lang na yun na ang huling yakap mo sakin sana mas tinagalan at mas hinigpitan ko pa po... Ikaw ang unang naniwala sa aking talento hindi mo ko pinabayaan sa lahat ng bagay .. Kaya maraming maraming salamat po sa inyo Direk ikaw ang matuturing kong pangalawang ama kaya napaka sakit talaga na maiwan mo bilang anak.. Pero iniisip ko nalang na baka pagod ka na at sobra sobra na po ang naitulong mo sa maraming tao. Mahal na mahal po kita sobra sobra.. RIP DIREK MARYO J DELOS REYES -

A post shared by Ruru??Madrid (@rurumadrid8) on

Isang malapit sa lead actor ang nagkuwento sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na iyak nang iyak si Ruru at hindi ito nakatulog nang malaman ang nangyari kay Direk Maryo.

Alas-singko na ng umaga nang makatulog si Ruru sa living room nila dahil hindi na niya nagawang pumasok pa sa kuwarto ng tahanan nila sa Marikina City.

“Ayaw na nga sana ni Ruru na mag-report sa Sunday Pinasaya.

“Gusto niya na lumipad sa Dipolog City para makita at mayakap niya si Direk Maryo,” pahayag ng PEP.ph source.

Huling nagkita sina Ruru at Direk Maryo sa Centennial Airport ng PAL noong Biyernes dahil papunta ang aktor sa Dinagyang Festival sa Iloilo City para mag-promote ng Sherlock Jr.

Dipolog-bound naman ang direktor para sa isang event na dadaluhan niya.

LAST WILL. Nang sumakabilang-buhay si Direk Maryo kagabi, saka naisip ng pamilya ni Ruru na nitong mga nakaraang araw ay tila abala ang premyadong direktor sa pag-aasikaso ng kanyang mga huling habilin para kay Ruru.

Tila pahiwatig daw ito ng pamamaalam ng direktor.

Dinalaw ni Ruru si Direk Maryo sa opisina nito noong nakaraang Miyerkules na hindi niya dati ginagawa.

Diumano, maraming bilin si Direk Maryo sa tatay ni Ruru nang magkausap ang dalawa.

Mahigpit daw ang bilin ni Direk Maryo sa ama ni Ruru na alagaan nitong mabuti ang aktor at ang career nito.

Nagtaka rin si Ruru dahil, sa kauna-unahang pagkakataon, dumalo si Direk Maryo sa presscon ng teleserye ng aktor, ang Sherlock Jr., noong January 22, na hindi ginawa ng manager niya sa mga press launch ng mga nakaraang programa ni Ruru sa GMA-7.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sinabi rin ng PEP.ph source na kasalukuyang nasa Dipolog pa ang bangkay ni Direk Maryo, pero bumiyahe na roon si Lilybeth Rasonable, ang Senior Vice President for Entertainment ng GMA-7 na matalik na kaibigan ng namayapang direktor.

Si Rasonable ang mag-aasikaso sa pagdadala ng bangkay ni Direk Maryo sa Metro Manila.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN