Kapuso actress Marian Rivera, Kapamilya actor Enchong exchange messages on Instagram

IMAGE Instagram

Kapamilya actor Enchong Dee posts on Instagram a photo with Kapuso actress Marian Rivera.


Nagpalitan ng friendly messages sina Marian Rivera at Enchong Dee sa Instagram nitong weekend.

Nagsimula ito nang mag-post ang Kapamilya actor ng larawan nila ng Kapuso actress.

Sa caption, naka-tag ang pamangkin ni Enchong na si Maximus Alexandros, anak ng kapatid ng aktor na si AJ Dee.

A post shared by Enchong Dee (@mr_enchongdee) on


Nasa wikang Norwegian ang bahagi ng caption, na ang translation ay kinukumusta ni Marian ang anak ni AJ.

Inaanak ni Marian ang anak ni AJ, na kasamahan niya noon sa dati nilang manager na si Popoy Caritativo.

Nagkomento si Marian at sinabing na-miss niya si Enchong.

Sumagot naman ang ABS-CBN actor at iminungkahing kung magbabakasyon si Marian at ang pamilya nito sa Europe ay alam na nila kung saan pupunta.

Naka-tag sa comment ni Enchong ang kapatid na si AJ, na nakabase ngayon sa Norway kasama ang Norwegian wife nito at dalawang anak na lalaki.  

Muling sumagot si Marian at sinabing marami na siyang utang sa inaanak at babawi siya.  




WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN