Vice Ganda puts James Reid, Nadine Lustre on hot seat: "Magkatabi ba kayo natutulog?"

IMAGE Instagram @praybeytbenjamin / @james

Vice Ganda asks James Reid and Nadine Lustre: "After two years, magkasama na ba kayo sa isang house?" James and Nadine are marking their second anniversary as a couple on February 11.


Tila pilit na hinuhuli ni Vice Ganda sina James Reid at Nadine Lustre kung magkasama na silang naninirahan sa iisang bahay, lalo ngayong magdadalawang taon na silang magkarelasyon.

Hindi kaila sa publiko na noong 2017 ay naging tampulan ng espekulasyon kung nagli-live in na sina James at Nadine. 

Walang diretsong sagot sina James, 24, at Nadine, 24, hinggil sa isyu. 

Pero nasabi nila noon na bukas ang kanilang isip sa young couples na nagsasama sa isang bubong.


Stories We Are Tracking

Nadine Lustre reacts to live-in issue with BF James Reid
Nadine Lustre reacts to live-in issue with BF James Reid
James Reid defends Nadine's remark on live-in relationships
James Reid defends Nadine's remark on live-in relationships

Sa January 28 episode ng Gandang Gabi Vice (GGV), ang late-night weekly talk show ni Vice, naungkat ang tungkol sa sleeping routine nina James at Nadine.

Nabanggit kasi ni James na tuwing gabi ay nakagawian na nila ni Nadine na pag-usapan ang lahat ng nangyari sa kanila sa buong araw.

Ito raw ang paraan nila upang pagtibayin ang tiwala at magandang komunikasyon sa pagitan nila.

Ganito ang sumunod na takbo ng usapan nina Vice, James, at Nadine:

Vice: "Sabay ba kayo natutulog?"

Nadine: "Depende."

Vice: "Magkatabi ba kayong natutulog?"

Nadine: "Sa shoot, ganun! Hahaha! Sa bus, sa service…"

James: "Sa shoot, sa bus, sa plane…"

Sa puntong ito, mismong si Vice ay natawa sa tila panghuhuli niya sa magkasintahan.

Sabi ni Vice kay Nadine, “Natawa ako kasi hindi bagay sa ‘yo nung sinabi mo ‘sa shoot.’

"Nakita ko sa mata niya, ‘Nakokornihan ako sa sarili ko. Sa shoot, ganun...’"

Natawa rin si Nadine sa kung anuman ang gustong tumbukin ni Vice.

Pero paiwas na hirit ni Nadine, “Ayoko na!”

Pagkatapos ay tuloy si Vice sa pang-uusisa sa magkasintahan.

Vice: "Masarap katabi si Nadine pag natutulog?"

James: "Oo."

Vice: "Sino humihilik?"

James: "No one."

Nadine: "Wala."

COZYING UP. Nang tanungin ni Vice kung halos “nakapatong buong binti” ni Nadine sa katawan ni James kapag sila ay natutulog, sumang-ayon naman ang dalaga.

Pareho raw kasi sila ni James na mahilig yumakap sa isa’t isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi pa ni Nadine, “Sinisiksik ko talaga...”

Sumang-ayon din si James na sadyang madikit sila ni Nadine sa isa’t isa.

Sabay turo ni James sa lapit ng pagkakaupo nila ni Nadine sa studio, “Ganito, what you see, it’s like this."

Tanong ulit ni Vice, “Kahit ang laki-laki ng kama, sisiksik ka?"

Sagot ni James, “Oo.”

KING-SIZED BED? Sandaling nagtawanan ang tatlo, at pagkatapos ay patuloy sa panghuhuli si Vice kung saan natutulog ang magkasintahan.  

Vice: "Ini-imagine ko kasi… Gaano kalaki kama niyo? King size?"

Nadine: "Niya! Niya! Bakit niyo?"

Vice: "Pag magdyowa kayo, wala nang kanya, wala nang akin."

Nadine: "Ganun ba yun?!"

Vice: "Atin na ‘to, di ba? What's yours is hers."

James: "Isn’t that marriage?"

Vice: "Ang marriage, kasal. Hindi naman lahat ng magkasama sa kuwarto, kasal. Are you married?"

Nadine: "No! Hala, OA!"

NOT YET MARRIED. Nagkatawanan sa buong studio sa panunukso ni Vice kina James at Nadine.  

Giit ulit ni Nadine, hindi pa sila kasal ni James.

Paglilinaw naman ni Vice, “So, you’re not married yet.”

Natatawang sabi na lang ni Nadine, “Nai-stress na kami! Hahaha! Ate Vice, e!"

Sa huli, diretsahang tinanong ni Vice kung magkasama na ba sa iisang bahay sina James at Nadine.

Vice: “After two years, magkasama na ba kayo sa isang house?

Nadine: “Punta-punta lang.

Vice: "Siya sa house mo or kahit kanino?”

Nadine: "Kahit kanino."

Vice: "Allowed ka nang mag-sleepover kay Nadine? Saka ikaw, Nadine, okay lang mag-sleepover kay James?"

Sa puntong ito, dalawang beses nagkibit-balikat si Nadine at natatawang sinabi, “Next question!”  

STRONGER RELATIONSHIP. Kung anu't ano man, ang tanging maibabahagi raw ni Nadine ay kung paano mas naging maganda ang relasyon nila ni James simula nang huli silang mag-away.

Ito raw iyong panahong may pinagdadaanan si Nadine, at madalas makaranas ng mood swings ang dalaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Lahad ng aktres, "One time, nag-a-argue na lang kami bigla. Kasi nga, biglang umiinit na lang yung ulo ko.

"Sinabi ko sa kanya na hindi ako nag-o-open up sa kanya kasi hindi siya nakikinig, kaya sa ibang tao ako nag-o-open up.

"Yun ang huli naming pinag-awayan.

"Pero yung reason naman kasi, hindi nga ako nag-open kasi talaga" 

Bilang boyfriend, mas inintindi raw ni James si Nadine noon.

Sabi ng binata, "I really had to be patient with her and just give her time.

"But the hard part was she didn't want to let out her emotions.

"She kept trying to be strong for everyone.

"But I kept telling her to cry, to be sad... 'You need to feel it.'"

Mula noon ay natuto na raw si Nadine maging bukas kay James.

Aniya, "Communication tsaka trust lang talaga.

"Yun yung dalawang yun yung number one na natutunan ko sa relationship namin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN