Ruru Madrid shuns Valentine's Day: "Bakit dun lang sa araw na yun, why not every day?"

IMAGE Noel Orsal

Ruru Madrid delights in surprising Gabbi Garcia, and sometimes her reaction stuns him. Like, when he unexpectedly showed up at her place to bring her a pair of jogging shoes. "'Oh my God, oh my God, why did you do that?'" he said, mimicking her.


Dumadaan lang daw kay Ruru Madrid ang Valentine’s Day dahil, bilang miyembro ng Iglesia Ni Cristo, hindi siya naniniwala rito.

Pero pinapahalagahan niya ang kahulugan nito.
 
Paliwanag ng Kapuso matinee idol, “Puwede mo namang gawin araw-araw yun, hindi mo na kailangang gawin sa Valentine’s Day. 

“Sa akin kasi, ang concept ng Valentine’s Day ay para ipa-feel mo sa kanya kung gaano mo siya ka-love sa araw na yun.
 
“Pero bakit dun lang, bakit dun lang sa araw na yun, why not every day?”
 
Hindi pa raw siya nakakapag-celebrate ng Valentine’s Day kahit may nililigawan o may girlfriend siya.
 
Dahil matipid siya?
 
“Hindi nga po matipid,” tanggi niya. “Magastos nga po, e, kasi araw-araw yun. 

“Araw-araw, ganun ako, araw-araw dapat ipakita mo sa kanya kung gaano mo siya kamahal.”
 
Ano naman ang pinakaromantikong nagawa na niya sa isang babaeng nililigawan?
 
“Wait nga... ayoko,” alinlangang tugon ni Ruru.
 
“Ako po kasi, mahilig akong mang-surprise, so magugulat na lang sila na nandoon na ako.”
 
Nakangiting kuwento pa niya, “May isa kong type, type na type ko talaga siya.

“No name, wala siyang pangalan. So, akala niya, wala na ko, akala niya umuwi na ako.

“Pero hindi niya alam, bumalik ako para bumili sa Dangwa ng bulaklak at bumili ako ng pizza.

“Dinala ko sa kanya at sabi niya, ‘Bakit nandito ka, akala ko ba aalis ka na?’

“Sabi ko, ‘May nakalimutan kasi akong ibigay sa ‘yo.’ 

“Sabi niya, ‘Ano?’ Sabi ko, ‘Eto.’”
 
SURPRISING GABBI. Si Gabbi Garcia ang leading lady ni Ruru sa bagong primetime series ng GMA Network na Sherlock Jr.

Ano ang natatandaan niyang pinakaromantikong nagawa niya para sa ka-love team?
 
Pagbabahagi ni Ruru, “Yun nga, mahilig kasi akong i-surprise siya.

“Papunta ako ng Davao, bago ako pumunta, bumili muna ako ng sapatos na gusto niya.
 
“Kasi wala raw siyang running shoes, gusto raw niyang mag-jogging.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Gusto raw niyang magpapayat, sabi ko, ‘Ang payat-payat mo na, magpapapayat ka pa.’

“So, okay, bumili ako ng sapatos; yung bahay niya, malapit lang sa airport. 

“Dumaan muna ako sa bahay niya, kumatok.

“Bagong gising siya, ibinigay ko sa kanya.”
 
Ni-reenact pa ni Ruru ang reaksiyon ni Gabbi sa sorpresa niya.
 
Mimic niya kay Gabbi, “‘Oh my God, oh my God, why did you do that?’”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN