Photo of Maryo J. delos Reyes's last moment goes viral

IMAGE ToFarm Facebook page

Nakikiusap ang talent manager na si June Torrejon Rufino na huwag nang ikalat sa social media ang larawan ng direktor na si Maryo J. delos Reyes (nasa larawan) nang atakihin ito sa puso sa isang party sa Dipolog City.


Mahigpit ang pakiusap ng PAMI President at talent manager na si June Torrejon Rufino na burahin at huwag nang ikalat ang larawan ng huling sandali ng buhay ng direktor na si Maryo J. delos Reyes.

Kuha ang viral photo sa isang party na dinaluhan ni Direk Maryo sa Dipolog City, Zamboanga del Norte, noong Sabado ng gabi, January 27.

Upset na upset si Rufino, ang pamilya at mga kaibigan ni Direk Maryo nang kumalat sa social media kagabi, January 28, ang kopya ng litrato na diumano'y nanggaling sa isang bisita sa party na nakasaksi sa pangyayari.

Hinihiling ni Rufino at ng pamilya ni Direk Maryo na igalang ang alaala ng direktor sa pamamagitan ng pagbubura sa larawang ito.

Plano rin nilang hingin ang tulong ng mga social media administrator (Facebook, Twitter, etc.) para mapigilan ang pagkalat ng larawan, tulad ng ginawa ng pamilya at concerned friends ni Isabel Granada na pinagpasa-pasahan din sa social media ang larawan ng kanyang lifeless body.

Si Rufino ang manager ni Direk Maryo at kabilang siya sa mga punong-abala sa pag-aasikaso sa burol ng namayapang direktor.

Magsisimula ang burol ng yumaong direktor bukas ng gabi, January 30, sa Loyola Chapels and Crematorium, sa Matandang Balara, Commonwealth Avenue, Quezon City.

Kinumpirma ni Rufino na bukas darating sa Maynila ang bangkay ni Direk Maryo na sinundo ng mga kamag-anak nito sa Dipolog.

Magkakaroon ng misa para kay Direk Maryo bukas ng gabi na dadaluhan ng lahat ng mga talent ni Rufino.

Sinabi ni Rufino na formal suit ang isusuot ni Direk Maryo dahil ito umano ang kagustuhan ng direktor.

Bago sumakabilang-buhay noong Sabado, nabanggit ni Direk Maryo kay Rufino na gusto niyang gumawa ng mga pelikula at magpahinga muna sa mga teleserye.

In fact, tinatapos na ni Chris Martinez ang script ng pelikula na gagawin sana ni Direk Maryo sa Viva Films.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN