Kristoffer Martin explains Twitter post that caused AlDub fans uproar

IMAGE Instagram photo of Kristoffer Martin/Twitter post of Kristoffer Martin (inset)

"We are living in a world full of hatred. Nakakalungkot," says Kristoffer Martin after receiving negative reaction for his Twitter post.


Nilinaw ni Kristoffer Martin na wala siyang sinumang pinatatamaan sa Twitter post niya kamakailan.

Naging mainit sa mata ng ilang fans nina Alden Richards at Maine Mendoza ang Twitter post ni Kristoffer noong January 26, kung saan sinabi niyang: “Pag pinagbubuhatan ka na ng kamay ng babae, ibang usapan na yon.”

Nagsimula diumano ang galit ng AlDub fans nang ikinonekta ng isang fan ang tweet ni Kristoffer sa phenomenal love team ng Eat Bulaga!

Nagpasalamat ang fan, na may username na @AldenUpsurge, sa pagpoprotekta umano ni Kristoffer sa "bestfriend" niyang si Alden.

Sina Kristoffer at Alden ay naging malapit na magkaibigan mula nang gawin nila ang Reel Love Presents: Tween Hearts sa GMA Network noong 2011.

Bintang pa ng nasabing fan tungkol kay Maine, “Napatunayan na namin na pinagbubuhatan mo si alden ng kamay.”


Dahil dito, pinuna ng maraming fans si Kristoffer at mariing hiniling na ipaliwanag ang kanyang Twitter post.

Walang anumang sagot ang Kapuso actor tungkol sa galit o pagkadismaya ng ilang fans sa kanyang tweet.

Ngunit kapansin-pansin ang tweet niya nang sumunod na araw, January 27, na tila may kaugnayan pa rin sa isyu.

Ani Kristoffer, "What’s wrong with people nowadays? Nagpapakain masyado sa sistema. Kumalma nga kayo dami nanamang mema."

May ilan pa ring hindi natuwa sa kanyang tweets.

Pero may ilan ding fans ang nagtanggol kay Kristoffer at sinabihan ang kapwa fans na huwag pakialaman ang tweet ng ibang tao.

Ngayong Lunes ng hapon, January 29, nilinaw ni Kristoffer na walang anumang kaugnayan sa kahit kanino ang kanyang Twitter posts.

Aniya, "Okay here’s the thing, I tweeted that WITH MY OWN PERSONAL REASON. Wala akong alam sa nagaganap na issue kung DI NIYO PA PINALAKI. Coincidence? YES."

Ikinalungkot din daw niya ang mga negatibong reaksiyon na nakuha mula sa fans.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Kristoffer sa huli, “We are living in a world full of hatred. Nakakalungkot.”


ABOUT THE AUTHOR

Nerisa Almo is a showbiz outsider, who was tagged as #MatabangReporter by PEPsters. Follow her on social media: @nherzjane


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN