Elmo Magalona reacts to Jenine Desiderio's "gatecrasher" post

IMAGE Noel Orsal

Itinanggi ni Elmo Magalona na siya ang pinatutungkulan ni Jenine Desiderio, ina ni Janella Salvador, na nag-gatecrash sa kanilang family reunion noong nakaraang holiday season.


Hiningan ng reaksiyon si Elmo Magalona, 23, tungkol sa pagiging "welcome" ni Janella Salvador, 19, sa gatherings ng kanilang pamilya.

Katulad na lamang sa kasal ng ate ni Elmo na si Maxene Magalona kay Robby Mananquil noong January 11, 2018 sa Boracay.

Saad ng Kapamilya actor, “Yeah, I’m happy na there… may mga moments na ganun. Nakakapunta si Janella sa events ng family ko.”

Siya ba ay "welcome" din sa family gatherings nina Janella?

Noong huling bahagi ng December 2017, nag-post si Jenine Desiderio, ina ni Janella, tungkol sa pag-gatecrash diumano ng isang tao sa kanilang family reunion.

Siya ba ang pinariringgan ni Jenine?

Sagot ni Elmo, “Wala po. Hindi po ako [naggaganun].”

Sa naunang panayam kay Janella, sinabi nitong inimbita niya mismo si Elmo sa nasabing okasyon at pumayag naman daw ang kanyang mga kamag-anak.


Stories We Are Tracking

Janella keeps mum about
Janella keeps mum about "gatecrasher" post of mom Jenine

Sa tingin ba ni Elmo, hindi siya gusto ng ina ng young actress?

Tugon niya, “I think naman like I… siyempre, I just want peace, peace lang.”

Nag-reach out na ba siya sa ina ni Janella?

Ayon kay Elmo, “Ako, like naman what Janella said, like, it’s something that is really in the family.

"So I just try to keep on telling her na I support her naman whatever happens.

"Like, if it’s part of the family, I don’t want to really be involved."

Hindi naman daw nagmamadali si Elmo na maging girlfriend si Janella.

Handa raw siyang maghintay sa dalaga.

Saad ng binata, “Ako, I just really keep on telling naman Janella na it will have to depend on her na kung puwede na sa ganyan.

"Kasi, like what I said, I’m not really in a rush.

"Tsaka I'm just really happy na nakakatrabaho ko ulit siya."

Magkasama ang dalawa sa bagong pelikula ng Regal Entertainment, Inc. na My Fairy Tail Love Story, na nagkaroon ng presscon sa Valencia Events Place, Quezon City, ngayong Lunes ng gabi, January 29.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ang My Fairy Tail Love Story ay mula sa direksiyon ni Perci Intalan at ipalalabas simula sa mismong Valentine’s Day, February 14.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN