Kris Aquino excited to meet Caroline Kennedy, daughter of JFK

IMAGE Noel Orsal

Kris Aquino says she cancelled an item on her schedule to make way for meeting Caroline Kennedy, the only surviving offspring of former US President John F. Kennedy and First Lady Jacqueline Bouvier Kennedy Onassis. "Kilig na kilig talaga ako. I mean, having grown up in Boston and because super idol ng Dad ko ang Dad niya, so talagang excited ako."


Excited na si Kris Aquino sa nalalapit na pagkikita nila ni Caroline Kennedy.

Si Caroline ang natitirang buhay na anak nina former US President John F. Kennedy (JFK) at First Lady Jacqueline Bouvier Kennedy Onassis.

Nakatakda kasing bumisita sa Pilipinas si Caroline, pero hindi ini-reveal ni Kris kung kailan ang actual date ng pagdating nito.

Si Caroline ay isang American author, lawyer, at diplomat na nagsilbi bilang United States ambassador to Japan mula 2013 hanggang 2017.

Siya ay prominent member ng Kennedy family.

May ilang pagkakahawig sa istorya ng kanilang buhay sina Kris at Caroline.

Pareho silang anak ng mga presidente.

Kung ang ama ni Caroline ay naging presidente ng Amerika, ang ina naman ni Kris na si Corazon “Cory” Aquino ay ang ika-11 pangulo ng Pilipinas na may termino mula February 25, 1986 hanggang June 30, 1992.

Bukod dito, pareho ring na-assassinate ang kanilang mga ama—sina President JFK at Senator Benigno “Ninoy” Aquino.

Kuwento ni Kris, “I’m super excited because in less than two weeks, we get to meet Caroline Kennedy.

“We were invited to have tea with her. She’s coming here and then specifically nag-request siya to meet us [Aquino] sisters.

“Kilig na kilig talaga ako. I mean, having grown up in Boston and because super idol ng dad ko ang dad niya, so talagang excited ako.” 

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kris sa contract signing at presscon niya para sa Ever Bilena bilang main brand ambassador nito.

Ginanap ang event sa Kamia room sa Edsa Shangri-La Hotel noong Sabado, January 27.

Nakasama niya sa contract signing ang executives ng Ever Bilena na sina CEO and President Dioceldo Sy, COO Silliman Sy, at Key Accounts Manager Denise Sy.

PREPARATIONS. Anong paghahanda ang ginawa ni Kris para sa pagkikita nila ni Caroline?

Saad niya, “Nagpagawa na ako ng tamang Filipiniana, ibang levels.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi ko, may isang bihis na bihis, may isang semi-bihis lang na Filipiniana.

“Wala lang, na-excite lang ako talaga.

“And the fact na it came from her that she wanted to meet us talaga, kilig na kilig talaga ako.

“Kung lumaki ka the way na lumaki ako, na ang maririnig mo paulit-ulit from your dad was Mahatma Gandhi, JFK, and Martin Luther King, the fact na mami-meet mo yung daughter [ni JFK] is talagang so exciting.”

BIMBY TALKS. May kuwento pa si Kris tungkol sa reaksiyon ng anak niyang si Bimby tungkol sa magiging pagkikita nila ni Caroline.

Nag-suggest pa raw ang bunso niya ng puwede nilang pag-usapan.

“Si Bimb, nakakaloka, sabi niya, ‘O, Mom, you can say both your dads were assassinated.’

“Sabi ko talaga, ‘Bimb!’ Yung parang, ‘Oh my God.’ Sabi ko, ‘Bimb, I don’t think that will be our topic.’

“Pero yung sa kanya kasi is really a matter of fact and history.

“Pero sabi ko, ‘In fairness, talagang alam ng anak ko.’

“And then, sabi niya, ‘And then you can also say that both your moms had cancer.’

“Sabi ko, ‘Bimb, stop it!’ Pero di ba… I was so impressed my ten-year-old has that much knowledge.

“Pero sabi ko, ‘Honey, I don’t think those will be the things that we will be talking about.’

“Bilib na bilib ako dahil yung son niya, nag-speech noong inu-honor nila si [former US President Barrack] Obama.

“I’m not sure kung sa Harvard or Yale, but he was so impressive and so cute. So, siya yung life peg ko para kay Bimb.”

Ang tinutukoy ni Kris ay si Jack Schlossberg, ang lalaking anak ni Caroline Kennedy at natatanging lalaking apo ni John F. Kennedy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN