Karylle bumps into Marian Rivera and Dingdong Dantes at an event

IMAGE Noel Orsal

Karylle (left) recently bumped into ex-boyfriend Dingdong Dantes (center) and his wife Marian Rivera (right) at a store opening.


Nagkita at nagkabatian sina Karylle, ang ex-boyfriend niyang si Dingdong Dantes, at ang misis nitong si Marian Rivera sa isang event.

Ito ang ibinunyag ni Vice Ganda sa episode ng It’s Showtime segment na "Tawag Ng Tanghalan" nitong Lunes, January 29.

Nagsimula ang lahat nang tanungin ni Vice ang isang "Tawag Ng Tanghalan" contestant kung nasaktan na ito sa pag-ibig.

Napunta ang usapan sa magiging reaksiyon ng tao kung malaman niyang may love life na ang ex nito.

“Tanungin natin si Karylle kasi nagkita sila ni Dingdong,” bulalas ni Vice sa co-host at matalik na kaibigan, na nakaupo bilang isa sa mga hurado ng "Tawag Ng Tanghalan" kahapon.

Pagkatapos nito ay inilahad ni Vice ang nangyaring pagtatagpo nina Karylle at Marian.

“Nakasalubong niya [Karylle] sa isang show,” bungad ng TV host-comedian.

“Tapos sabi niya, nakasalubong niya si Marian.

“Gandang-ganda raw siya kay Marian, kaya bineso niya daw.

“Tapos pagbeso niya, ‘Oy, ang ganda naman.’

“Tapos pagtalikod niya, na-realize niya na ang payapa na raw pala talaga ng puso nila, kasi nagbeso sila, tapos gandang-ganda daw siya kay Marian.”

Sa puntong iyon ay tinukso ni Vice si Karylle dahil hindi niya ikinuwento ang paghaharap nila ni Dingdong.

“Bineso niya si Marian, pero hindi niya nakuwento kung bineso niya si Dingdong,” sabi ni Vice.

Sagot naman ni Karylle, “Nag-hi lang ako.”

Hindi man nabanggit kung saang event nagkita ang tatlo, napag-alaman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na nangyari ito sa opening ng COUTURiSSIMO sa Greenbelt 5, Makati City, noong Biyernes ng gabi, January 26.

November 2008 nang kumpirmahin nina Dingdong at Karylle ang kanilang paghihiwalay pagkatapos ng tatlong taon.

Taong 2007 hanggang March 2008 ay umere ang Marimar, ang teleserye kung saan unang nagtambal sina Marian at Dingdong.

Na-link ang dalawa.

March 2014 nang ikasal si Karylle sa Sponge Cola vocalist na si Yael Yuzon.

Pagkatapos ng siyam na buwan, ikinasal naman sina Dingdong at Marian noong December 2014.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mayroon nang isang anak sina Dingdong at Marian, habang wala pang supling sina Karylle at Yael.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN