Ronnie Alonte explains why he deleted photos with Sue Ramirez and Julia Barretto

IMAGE Instagram photo of Ronnie Alonte

Ronnie Alonte explains why he deleted his photos with former onscreen partners: "Para mag-focus sila sa isang love team lang, suportahan nila ako kung nasaan ako ngayon. Ganun dapat, kasi sumusuporta kayo sa dalawang tao." Ronnie is referring to his current tandem with Loisa Andalio.


Nagpaliwanag ang Hashtags member na si Ronnie Alonte kung bakit niya binura sa social media ang mga larawan niya kasama ang mga dating nakapareha.

Sa pamamagitan ng live video sa kanyang Instagram Story kagabi, January 29, sinabi ni Ronnie na dismayado siya sa pag-aaway-away ng fans.

Dagdag pa niya, “Huwag n'yo po bigyan ng issue kung bakit nawala ang pictures ng dati kong ka-love team.

“Nawala kasi nag-aaway-away sila.

“So, yung mga dati kong fans—yung SueNie at saka RonLia—nag-aaway-away sila, bina-bash nila ang LoiNie.”

Ang tinutukoy ni Ronnie na SueNie ay ang team-up niya kasama si Sue Ramirez.

Ang RonLia naman ay ang team-up niya kasama si Julia Barretto, na nakapareha niya sa pelikulang Vince, Kath & James at teleseryeng A Love to Last.

Sa ngayon, sina Ronnie at Loisa Andalio ang magkapareha, na tinatawag ng fans bilang LoiNie.

Sa pagpapatuloy ng 21-year-old Kapamilya actor, binigyang diin niya ang loyalty ng fans sa kanilang mga hinahangaang artista.

Aniya, “So ngayon, para mawala yung issue na... Kasi, yung SueNie, may Ronnie pa rin dun; yung RonLia, may Ronnie pa rin dun.

“Kumbaga, sinusuportahan pa rin nila ako. Kahit kanino pa ako mapuntang love team, may Ronnie silang sinusuportahan, sinusuportahan nila ako doon sa LoiNie.

“E, ang nangyari, nag-aaway-away sila.

“So ngayon, para mag-focus sila sa isang love team lang, suportahan nila ako kung nasaan ako ngayon.

“Ganun dapat, kasi sumusuporta kayo sa dalawang tao. Tama po ba yung sinasabi ko?

“Kasi, yung RonLia at saka SueNie, may Ronnie pa rin dun at may Ronnie pa rin sa Julia.

“Kaya ngayon, kung sinusuportahan ninyo ako, suportahan n'yo ako sa LoiNie kasi may sinusuportahan kayong Ronnie, tama po ba?”

Pag-uulit pa ni Ronnie sa kanyang live IG Story, “Kaya ko po binura ang pictures namin na luma, para po malaman n'yo na meron na po silang kanya-kanyang masayang buhay at mayroon akong bagong Loisa ngayon na love team.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, dapat suportahan n'yo po yung Loisa kasi sa kanya ako ngayon naka-love team.

“Kaya kay Loisa lang ang itinira kong pictures kasi siya po ang suportahan n'yo bilang mahal n'yo ako, dahil mahal n'yo ako.

“So, sana po maintindihan n'yo kung bakit nawala yung mga pictures. Sana po.

"Kaya kapag nakikita n'yo ang Instagram ko, si Loisa at si Loisa lang ang nakikita n'yo para suportahan po ninyo siya, okay? Huwag kayong mag-away-away."

Mamaya na makikita ang teaser ng #gelliinabottle #???????? #abangan!

A post shared by Ronnie 2 Alonte (@hashtag_r2a) on

TAKING CARE OF HIS SOLID FANS. Samantala, isang fan ang nagpayo kay Ronnie na pangalagaan nito ang kanyang fans.

Sabi ng Twitter user na si @alontekristine_, “Pahalagahan mo mga fans mo @iamr2alonte :)) hindi mo alam, unti-unti na pala silang nawawala.”

Sagot naman ni Ronnie, “Wag lang ang dyos mawala kasi mas masakit un. Hanggat wla akong inaapakan tao go ako. Pero sana lawakan niyo dn isip nyo. Wag one sided! Masasawa dn kayo at susuporta dn kyo ulit. Kaso alam ko solid kayo at tayo. So iloveyou all!”

Kasunod nito, nag-tweet pa ang Hashtags member na, “Pamilya ko at ang dyos at ang solid lang ang di ko tanggap pag nawala.

Sabi naman ni Twitter user @colormeredge, tila nababalewala na ni Ronnie ang kanyang fans, “@iamr2alonte Pahalagahan mo fans mo. Di ka naman sisikat ng ganyan pag wala mga fans mo eh.”

Sagot ni Ronnie, “Pahalagaan niyo dn idol niyo. Na nag bibigay sainyo ng saya. #Respect”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN