Maine Mendoza says unfollowing of Alden Richards on Instagram was accidental

IMAGE Noel Orsal

Humingi ng paumanhin si Maine Mendoza sa kanyang fans matapos kumalat ang balitang in-unfollow niya ang ka-love team na si Alden Richards sa Instagram. Napindot lang daw niya ito at hindi sinasadya. 


Maraming AlDub fans ang nalungkot dahil sa pag-unfollow ni Maine Mendoza sa ka-love team na si Alden Richards sa Instagram kagabi, January 29.

Marami sa kanila ay nagbigay ng magkakaibang opinyon tungkol dito:

Kaugnay nito, nag-post naman si Alden sa kanyang Instagram story ng salitang "clueless."

Ngunit binura rin ito kaagad ng Kapuso actor.

Nakarating na kay Maine ang kaguluhang nilikha ng kanyang pag-unfollow kay Alden sa Instagram, at kaagad siyang humingi ng paumanhin.

Nilinaw ng phenomenal star na hindi niya ito sinasadya.

Sa kanyang Twitter account ngayong Martes ng tanghali, January 30, sabi ni Maine: "No bad blood here. Napindot lang talaga. Sorry na. Happy fiesta!"

Makikita rin sa kanyang Instagram na muli niyang finollow ang Instagram account ni Alden. 

Natuwa naman ang kanyang fans sa pagpapakatotoo ni Maine. 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN