Matt Evans on other actors' sex video scandals: "Mali po yung nangyayaring ganun."

IMAGE Noel Orsal

Matt Evans cautions other actors on being involved in video scandals. "Siguro sa mga kabataan, siyempre, karera ang pinag-uusapan, kung career nyo talaga ang pinag-uusapan, e kailangan talagang iwasan po yung mga ganun para mas humaba pa [ang career]."


Marami nang male celebrities ang nasangkot sa video scandals.

Ang ilan sa kanila ay umaamin, samantalang ang iba naman ay itinatangging sila yun, o kaya nama'y hindi na lamang nagkokomento tungkol sa isyu.

Dahil dito ay natanong ang Kapuso actor na si Matt Evans kung nasangkot na ba siya sa isang video scandal.

“May kamukha! Pero hindi po ako talaga,” paliwanag niya.

“Matagal na po, nasa ABS pa ako.”

Paano niya dinipensahan na hindi siya ang nasa naturang video?

“Wala po kasi, kumbaga, nadepensahan ko lang po ang sarili ko kasi, una sa lahat, hindi naman po talaga ako yung lumabas.

"So, mas madali ko pong natapos, nadaanan yung isyu.

Ano ang maipapayo niya sa mga kapwa artistang lalaki para makaiwas sa ganitong uri ng eskandalo?

Ayon kay Matt, “Siguro sa mga kabataan, siyempre karera ang pinag-uusapan, kung career niyo talaga ang pinag-uusapan, e, kailangan talagang iwasan po yung mga ganun para mas humaba pa [ang career].

“At saka sana, kumbaga respeto na lang din sa sarili mo at dun sa babae na ka-view mo. Di ba?

“Parang siyempre, hindi naman sa pagiging righteous o ano, parang medyo mali, e.

“Mali po yung nangyayaring ganun.

“So, kung gusto mo talagang i-pursue yung babae, i-pursue mo na lang. Huwag sa chat.”

Paano yung iba na kahit may edad na ay nasasangkot pa rin sa video scandal?

Sagot ni Matt, “May mga iba po kasi nakikiuso lang.”

May kaibigan ba siyang artista na “nakiuso?”

“A, hindi, wala naman po akong kilala.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Matt sa presscon ng Sherlock Jr. ng GMA Network noong January 22.

FROM ABS-CBN TO GMA-7. Ano ang pagkakaiba working with ABS-CBN dati at sa GMA ngayon?

Tugon ni Matt, “Paano ko ba masasabi?

“Parang siguro, actually hindi ko pa rin masabi, kasi siyempre twelve years po ako sa kabila, tapos dito po nagsisimula  pa lang po ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sa ngayon po, siguro masasabi ko na marami pong trabaho po akong nakukuha, kasi nagsisimula po ako ngayon.”

 Sa pakiramdam daw ni Matt ay nagsisimula siyang muli.

“Opo, totoo po!

“Ganun po ulit yung pakiramdam ko, yung… medyo pareho lang naman po na ginagalawan na industriya, pero siyempre sa mga staff po, medyo dun lang ako naninibago.

“Kasi yung mga crew naman po, yung iba po, cameraman, directors, tumatawid naman din po sila.

“So, sa staff lang po ako naninibago.

“Pero yung ibinigay naman po nila sa aking pagtanggap, e, grabe naman po talaga.”

Kaya hindi raw matatawaran ang pagkakataong napasama siya sa Sherlock Jr.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN