Kris Lawrence "on very good terms" with ex-girlfriend Katrina Halili

IMAGE Bernie Franco

Kris Lawrence shares details about recent bonding with ex-girlfriend Katrina Halili and their five-year-old daughter. 


Bagamat wala sa poder ni Kris Lawrence ang five-year-old daughter nila ng ex-girlfriend na si Katrina Halili, regular naman daw niya itong nakikita.

Ayon sa R&B singer, “My relationship with Katy is superb.

“I’ve been seeing her about two to three times a week.

“Well, it’s only been this January. Usually, I try three to four times.

"But since I’m in the process of moving, I finally got my own place, hihiwalay na kami ni Jay. So, we’re both going separate ways.

"I’ve been really busy with moving in my own place.”

Ang tinutukoy na "Jay" ni Kris ay ang matalik na kaibigan at kapwa singer na si Jay-R.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kris sa press conference ng Love Matters, ang pre-Valentine concert niya kasama sina Gabby Concepcion, Kuh Ledesma, at anak ng Pop Diva na si Isabelle Gonzalez.

Gaganapin ang concert sa Vertis Tent, Quezon City, sa February 13.

KRIS IS SINGLE. Kumusta naman ang relasyon nila ni Katrina?

Ayon kay Kris, “We’re on good terms, actually. Now, we’re on very good terms.

“Kasama din siya when we went to Solaire with her family.

"So, I invited her, her whole family. Everyone had a good time.

"We’re sitting at a table, just talking about life, we talked about stuff, we have a good relationship.”

January 2014 nang maghiwalay sina Kris at Katrina pagkatapos ng limang taong relasyon.

Isa raw sa rason ng kanilang paghihiwalay ay ang kawalan ng growth sa loob ng maraming taon nilang pagsasama.

Kasalukuyang single si Kris matapos makipag-break sa kanyang non-showbiz girlfriend noong December.

Aniya, "Unfortunately, wala po.

"I just actually got out of a relationship, so let’s stay clear muna—focus on work, focus on myself.

"And then if it comes, it comes."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dalawang taon din daw silang nagsama ng kanyang ex-girlfriend. 

Bakit sila naghiwalay?

"It didn't work," maiksi niyang sagot. 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN