Bela Padilla still in contact with ex Neil Arce and his girlfriend Angel Locsin

IMAGE Noel Orsal

Bela Padilla on ex-boyfriend Neil Arce: "Hindi kami puwedeng maging awkward kasi gusto namin parehas yung trabaho namin. And parang ang daming involved pag shooting, e, hindi yung kayong dalawa lang. So, hindi ka puwedeng maging selfish na iniisip mo na, 'Ay, ayoko siyang kausapin.' Hindi puwede yung ganun."


Muling sinabi ni Bela Padilla na wala siyang pinanghihinayangan sa mahabang relasyon nila ng businessman at film producer na si Neil Arce, na nauwi rin sa hiwalayan. 

“Ang tagal na po nun,” panimulang bulalas ni Bela.

“Parang hindi naman ako gagawa ng mga bagay-bagay na hindi ko muna iniisip nang iniisip. At na hindi ko rin inisip yung kapakanan niya.

“Parang huwag na nating pag-usapan kasi baka sabihin niya ginagamit ko siya sa promo.”


Stories We Are Tracking

Bela Padilla reveals reason why she broke up with Neil Arce
Bela Padilla reveals reason why she broke up with Neil Arce

Dahil ba hindi umabot sa marriage proposal ang relasyon nila kaya siya nakipag-break?

“A, hindi naman po,” tanggi ng aktres.

Sa guest appearance ni Bela sa Magandang Buhay, sinabi nitong mas pinili niya ang trabaho kaysa sa relasyon nila ni Neil.

Nakausap naman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Bela sa presscon proper ng Meet Me In St. Gallen, ang pelikula nila ni Carlo Aquino na idinirehe ni Irene Villamor. 

Ang presscon ay ginanap noong Biyernes, January 26, sa Plaza Ibarra, Tomas Morato, Quezon City.

Sa presscon proper, muling iginiit ni Bela na wala siyang isyu sa relasyon ngayon nina Neil at Angel Locsin.

Gusto nga raw niyang imbitahan ang magkasintahan sa celebrity screening ng pelikula niya.

Sa interview ng PEP.ph, pinatotohanan pa ni Bela ang kanyang statement. 

“Iimbitahan ko talaga sila, iti-text ko sila pag malapit na,” sabi ng dalaga. 

“Hindi ko alam na baka may taping si Angel. Baka may trabaho rin si Neil.

“Kung wala, I’d like to invite them.

“Alam kong kaibigan din nila si Papa P. [Piolo Pascual], si Direk Joyce [Bernal], si Erick [Erickson Raymundo], si Direk Irene.  

“I’m sure gusto rin nilang suportahan yung mga yun.”

Sina Piolo, Joyce, at Erickson ang founders ng Spring Films na siyang producer ng Meet Me In St. Gallen.

CONNECTION. Hindi diretsahang inamin ni Bela kung nag-uusap sila nina Angel at Neil, pero nabanggit niya ang pagkakaroon ng connection sa dalawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Lahat naman po, may number kami ng isa’t isa.”

Sabi pa niya tungkol kay Angel, “Nag-ano pa ako sa birthday niya last year... so, wala talaga kaming problema sa isa’t isa.”

Muntik na nga raw silang magkita ni Angel sa baby shower ni Sarah Lahbati.

“Hindi kami nag-abot-abot. Kasi may pinuntahan kami ni Yassi [Pressman].

“Kaso, late silang dumating. If ever, sana doon.”

Patuloy niya, “Kailan ko ba sila last nakita?

“I think si Neil sa Spring Films office. Isang beses nagkasabay kami.

“Parang may meeting ako with Direk Irene, siya naman may meeting with Piolo.

“Nauna ako, kasi talagang may meeting naman ako talaga ako doon.

“Nauna rin akong umalis kasi hindi naman ako kasali sa meeting nila.”

NOT AWKWARD. Iginiit ni Bela na maayos ang samahan nila ni Neil at wala silang nararamdamang pagkailang sa tuwing magkikita sila.

“Wala. Kahit noong bagong break kami, nagtrabaho na kami two days after.

“Hindi kami puwedeng maging awkward kasi gusto namin parehas yung trabaho namin.

“And parang ang daming involved pag shooting, e, hindi yung kayong dalawa lang.

“So, hindi ka puwedeng maging selfish na iniisip mo na, 'Ay, ayoko siyang kausapin.'

“Hindi puwede yung ganun.”

Kinikilig ba siya sa sweetness nina Angel at Neil ngayon?

Mabilis na sagot si Bela, “Ay, wala na po sa lugar yun. Hindi na po dapat sumawsaw doon.

“Hindi ko po gustong sagutin yung tanong... ang weird... ang weird.

“Parang [kung] tanungin mo sila kung kinikilig sila pag may dyowa [boyfriend] na ako.

“Parang hindi dapat. Hindi dapat tanungin at hindi kami dapat kiligin sa isa’t isa.”

SUITORS. Inamin ni Bela na may mga nagpapahiwatig sa kanyang mga lalaking nais manligaw, ngunit hindi pa raw ito ang priority niya.

Paliwanag niya, “May mga nagpaparamdam naman, pero ngayon kasi talaga, pumasok yung 2018, may movie na ipalalabas.  

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tapos na kami ng shooting December [2017] pa lang.

“So, humingi ako ng leave, nag-extend ako sa Europe ng tatlong linggo.

“So, yun, nag-ikot akong mag-isa.

“Parang nagpi-prepare ako for 2018.

"Kasi, right after this, may uumpisahan akong bagong movie ulit.

“So, gusto ko relax lang ako, chill lang ako.”

Wala pa raw siyang napupusuan sa mga nanliligaw sa kanya.

“Hindi ko pa nakikita na tama yung mga taong nasa paligid ko right now.

"Parang walang swak kumbaga."

Nakikipag-date ba naman siya?

“Hindi po, ayoko ko ng casual date.

“Medyo against ako sa casual date. Medyo makalumang tao ako, e.

“Parang na-imagine ko yung mommy ko na kung ano ang sasabihin niya pag nalaman niyang nagdi-date ako sa kung saan-saan.

“Kahit mag-isa na ako sa bahay, yung values na ibinigay ng nanay ko, nandoon pa rin.”

Itinanggi ni Bela na ini-intimidate niya ang mga lalaking nanliligaw sa kanya para sukatin ang sincerity ng mga ito.

Pahayag niya, “Hindi naman. Actually, mahilig akong makipagkuwentuhan.

“So, feeling ko, doon ako nauumpisahan na kaya siguro naiisip na ligawan ako.

“Kasi nakikipagkuwentuhan lang muna ako, inaalam ko sila.

“Gusto ko kilalanin muna nila ako before may anything, bago nila ako ligawan or whatever.

“Wala, wala naman akong ini-intimidate… nakakatawa lang yung nang-i-intimidate.”

Marahil dahil sa strong personality ni Bela kaya ang tingin sa kanya ay nang-i-intimidate ng manliligaw.

“Ah, talaga ba? Sorry naman...

“Hindi talaga conscious effort na nang-i-intimidate ako.  

“Kung may mga nai-intimidate, kausapin n'yo lang ako, madali naman ako kausap.

“Sa movie [Meet Me In St. Gallen], si Celeste [character niya] ang ganung klaseng babae.

“Ang layo sa akin [sa totoong buhay].

“Si Celeste, ang dami niyang gustong sabihin, ang dami niyang ipinaglalaban. Ang dami niyang pangangatuwiran sa buhay.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN