Jodi Sta. Maria finally admits relationship with Jolo Revilla

IMAGE Screengrab from Facebook video of Jolo Revilla

"First time na sasabihin ko—naibigay ko na sa kanya ang puso ko, kay Jolo," confirms Jodi Sta. Maria about her relationship with Cavite Vice Governor Jolo Revilla.


Hindi na nakaiwas si Jodi Sta. Maria na sabihin ang tunay na estado ng relasyon nila ni Cavite Vice Governor Jolo Revilla.

Nagkaroon ng guest appearance ang 35-year-old actress, kasama ang leading men niya sa Sana Dalawa ang Puso Ko na sina Robin Padilla at Richard Yap, sa Tonight With Boy Abunda, Lunes ng gabi, January 29.

Sa segment na “2 Be Honest,” pinapili ang tatlong guests sa envelopes na naglalaman ng mga tanong na kailangan nilang sagutin nang buong tapat.

Ang tanong na napunta kay Jodi: “Kung dalawa ang puso mo, sinong dalawang lalaki ang bibigyan mo nito at bakit?”

Pinangunahan na ni Boy Abunda, ang host ng programa, na hindi puwedeng isagot ng Kapamilya actress ang kanyang anak na si Thirdy.

Bahagyang nahirapan si Jodi sagutin ang tanong.

Pagkatapos ay sabi nito, “Kung hindi kasama si Thirdy, kuya ko yung isa, kasi kakaunti lang naman ang lalaki sa buhay ko.”

Huminto saglit si Jodi bago niya sabihin kung kanino niya ibibigay ang isa pang puso.

Pagpapatuloy niya, “First time na sasabihin ko... naibigay ko na sa kanya ang puso ko, kay Jolo.”

Maririnig na marami sa audience ang kinilig sa sinabi ni Jodi.

Sabi pa ng mahusay na aktres, “Wala talaga akong maisip. I just had to say it.”

JOLO REACTS. Samantala, lubos naman ang tuwa ni Jolo sa ginawang pag-amin ng kanyang girlfriend tungkol sa kanilang relasyon.

Sa kanyang Facebook account, ibinahagi ni Jolo ang video ng naturang interview kay Jodi.

Sa caption nito, mensahe ni Jolo, “Wagas ang kilig ko Love! Parang kakasagot mo pa lang sa akin!?? i Love you now and forever!?”

Mahigit isang taon na rin ang usap-usapang nagkabalikan ang dalawa, ngunit hindi ito kinukumpirma ng kahit sinuman kina Jodi at Jolo.

Ito ay sa kabila ng maraming pagkakataong nakikita silang magkasama at sweet sa isa't isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

June 2016 nang aminin ni Jodi na naghiwalay na sila ng actor-politician, na anak ni dating Senator Bong Revilla Jr. at incumbent Bacoor Mayor Lani Mercado.

Hindi naglaon ay muling nakitang magkasama ang dalawa sa iba't ibang pagkakataon.

Bagamat madalas ang pagpu-post noon ni Jolo ng pictures kasama si Jodi, hindi niya direktang kinumpirma na nagkabalikan silang dalawa.

Sa halip, sinabi niya lang noon, "Magkaibigan pa naman kami."

Halos ganito rin ang sagot ni Jodi sa mga panayam sa kanya.

Sa katunayan, nabanggit pa niya sa isang panayam, “Kung anuman ang mayroon ako, ine-enjoy ko lang din muna.

“Ayaw kong magpa-pressure sa kahit na ano.”


Stories We Are Tracking

Jodi Sta. Maria confirms breakup with Jolo Revilla
Jodi Sta. Maria confirms breakup with Jolo Revilla
Jolo Revilla and Jodi Sta. Maria back together?
Jolo Revilla and Jodi Sta. Maria back together?
Jodi Sta. Maria denies reconciliation with Jolo Revilla
Jodi Sta. Maria denies reconciliation with Jolo Revilla


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN