Kiray Celis reveals she now has a non-showbiz boyfriend: "Hindi po si Kirst."

IMAGE Noel Orsal

Kiray Celis on her new boyfriend: "Isa siyang businessman... matagal na kaming magkakilala, three years ago [pa]. Tapos, ayun, recently lang kami nag-usap masyado. Bigla na lang na, 'Oppps, puwede pala.'"


Aminado ang comedienne na si Kiray Celis na masaya ang kanyang personal na buhay ngayon.

Kahit ilang buwan na silang “hiwalay” ni Kirst Viray, ang modelong na-link sa kanya, may bago na raw siyang inspirasyon ngayon—21 years old at may height na 5'11".

Pahayag ng 22-year-old comedienne, "Napakasaya ko po, masaya po ako!

"Non-showbiz po... hindi po si Kirst, pakisulat po.

"Hindi po si Kirst, kalimutan na po natin 'yan dahil hindi po talaga siya naging boyfriend, at kahit kailan ay hindi ko po [siya] magiging boyfriend.

"Non-showbiz po ang boyfriend ko."

Kailan pa niya naging kasintahan ito?

Aniya, “Siguro mga five months ago.

"Worth po si Kirst, magandang kaibigan po si Kirst.

"Pero noong mga panahong nagsisimula po kami ni Kirst, wala akong projects.

"Nakatulong yung isa't isa para mapag-usapan at magkaroon ng mas maraming trabaho.

"Sa totoo lang, marami ang naging trabaho namin nang mapag-usapan kami, kaya thankful kami sa isa't isa."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kiray sa grand mediacon ng pelikulang My Fairy Tail Love Story, na ginanap sa Valencia Events Place, Quezon City, noong January 29.

Ang pelikulang ito ang Valentine offering ng Regal Entertainment Inc. na pinagbibidahan nina Elmo Magalona at Janella Salvador, sa direksiyon ni Perci Intalan.

KIRAY'S BF. Ano ba ang pagkatao ng bago niyang boyfriend?

Pakli ni Kiray, "Isa siyang businessman... pagkain, restaurant.

"Dumating siya na... matagal na kaming magkakilala, three years ago [pa].

"Tapos, ayun, recently lang kami nag-usap masyado.

"Bigla na lang na, ‘Oppps, puwede pala.’"

Agad namang kinontra ni Kiray ang espekulasyong baka ginagamit lang siya ng boyfriend para sa pag-promote ng negosyo nito.

Diin niya, "Hindi naman. Ewan ko ba, parang puro na lang gamit.

"Wala naman siyang makukuha sa akin.

"I don't promote nga his restaurant, kasi puro ganyan na lang yung tsismis.

"Hindi na rin ako pumunta para hindi mukhang pinu-promote ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nagbibigay ako ng ideas sa kanya, tumutulong ako kapag hindi na nakikita ng mga tao."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN