Kiray Celis clarifies gamitan issue with Kirst Viray: "Mas ako yung nanggamit."

IMAGE Instagram

Kiray Celis is enjoying the company of two men: Kirst Viray, the actor-model being linked to her somewhat controversially, and her unnamed non-showbiz boyfriend. "Alam naman nyang trabaho yung kay Kirst. Walang selos. Hindi makitid ang utak nya," she said about possible complication.


Aminado si Kiray Celis na nagkatulungan sila ni Kirst Viray sa kani-kanilang propesyon.

Kaugnay ito sa hindi mamatay-matay na isyung gamitan sa kanilang dalawa.

Paliwanag ni Kiray, “Nakatulong yung isa’t isa para magkaroon ng mas maraming trabaho. 

“Sa totoo lang, ang dami naming naging trabaho nung magkasama kami, so thankful kami sa isa’t.

“Walang nanggamit at nagpagamit because nag-enjoy kami sobra sa aming dalawa.

“Walang bitter, ha? Walang ganun.”

Ang ipinagtataka raw ni Kiray ay kung bakit iginiit ang isyu ng gamitan sa kanila ni Kirst, gayong may mas nauna naman siyang naging ka-love team.

Ito ay si Igi Boy na dating child star at kapwa miyembro ni Kiray sa ABS-CBN gag show na Goin’ Bulilit.

Komento ng Kapamilya comedienne, “Bakit noon kay Igi Boy, hindi niyo naman nasabing ginamit ako?

“Eto na nga yung explanation diyan, kahit ayokong magyabang sa aming dalawa, pangalan ko ang kilala ng mga tao.

“So, kahit hindi niya ako ginagamit, magagamit at magagamit pa rin niya ako, kasi nga pangalan ko ang nagagamit nya.

“Kung meron mang nakakaalam na ginagamit ako, ako mismo ang magsasabi sa inyo. 

“Dahil siyempre, hindi naman fair yun kung pumapayag na akong magpagamit, tapos idi-deny pa niya ako.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kiray sa presscon ng pelikula nila nina Janella Salvador at Elmo Magalona, ang My Fairy Tale Love Story, noong Lunes ng gabi, January 29.

NON-SHOWBIZ BF. Sa ginanap na presscon sa Valencia Events Place, nabanggit ni Kiray ang pagkakaroon niya ng non-showbiz boyfriend.

Ibig sabihin, hindi siya umaasang magkakatuluyan sila ni Kirst?

"Hindi talaga," mariin niyang sabi. 

“Alam ni Kirst na hindi ko siya gusto, simula pa lang. 

“Kasi hindi talaga ako mahilig sa kasama ko sa trabaho… yun talaga ang ayaw ko.

“Kasama ko sa field, kasama ko trabaho, and kahit anong sabihin ng tao…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kahit hindi ka ginagamit, ginagamit ka pa rin, kasi parehas kayo ng trabaho.”

Iginiit ni Kiray na hindi siya broken-hearted sa model-actor kahit sinasabi ng maraming pinangarap niyang maging girlfriend nito.

Paglilinaw niya, “Bakit na-frustrate? Kasi hindi naman siya palaging nagpu-post?

“Nagpu-post rin naman siya, pero hindi ako nag-assume. 

“Hindi ako na-frustrate kasi ako pa nga yung unang nagka-boyfriend, I mean, wala siyang girlfriend ngayon.”

Makikita sa Instagram posts ni Kiray ang masayang pagsasama nila ni Kirst.

Komento niya, “Happy ako kasi yung pumapasok na work sa amin, mas maraming pumapasok sa akin. 

“So, nae-excite na ako, ‘Uy, post pa nga ako. Uy, ang saya nito!’

“Between sa babae at sa lalaki, mas showy naman talaga ang mga girls, e.

“Sa lahat ng relasyon man o friendship, mas nagpu-post talaga ang mga babae.”

Ayon pa kay Kiray, mas pumabor sa kanya ang pagkaka-link nilang dalawa ni Kirst.

“Oo, mas marami akong nakuha kay Kirst. 

“Kung sa trabaho lang, mas marami akong nakuhang pera kaysa kay Kirst. 

“So, kung meron mang nanggamit dito, ako yun. Nagamit ko siya!” sabay halakhak ng aktres.

Dugtong niya, “Bilang tag line na ‘Oh, I have a model boyfriend,’ thank you very much, Kirst Viray.

“Kasi aminin niyo, ang daming bakla, ang daming babae na nainggit sa akin.

“Na parang, ‘God, may boyfriend si Kiray na napakaganda ang katawan at napaka-pogi. Long hair na tall, dark and handsome.'

"So, mas more on nagamit ko si Kirst, mas ako yung nanggamit."

Detalye pa ni Kiray, “Yung mga pumasok na sponsors for us, lagi kaming nag-a-out of town, kinukuha kami.

“Like, yung Minute To Win It, nung sumasali ako, hindi ako nanalo.

"Pero nung si Kirst ang partner ko, nanalo ako ng 250,000 pesos.”

KEEPING THE FRIENDSHIP. Hindi naman daw pinuputol ni Kiray ang anumang koneksiyon nila ni Kirst kahit may boyfriend na siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi pa niya, “If may work na dumating, I would say yes.

“Before, kahit wala akong trabaho, we’d go out, we watch movies with friends.

“Nagdi-dinner kami, lunch, bonding. 

“Pupunta siya sa bahay, magdadala ‘yan ng pasalubong galing Pangasinan.

“Ngayon, alam naman niya na hindi na puwede.

“Isa nga sa mga unang pinagkuwentuhan ko na may boyfriend na ako, si Kirst.”

Walang selos factor sa boyfriend ni Kiray kahit nili-link pa rin siya kay Kirst?

Mabilis niyang sagot, “Wala, alam naman niyang trabaho yung kay Kirst.

“Walang selos. Hindi makitid ang utak niya.”

Hanggang saan ang closeness nila ni Kirst?

Sagot ni Kiray, “We hug, we hold hands.

"We care about each other, we talk every day, we hang out… parang normal na tao."

Nagkatabi na nga raw sila sa pagtulog sa iisang kama.

“Pero kasama ang nanay ko, tatlo kami.”

Bukod doon, kumabig daw talaga silang dalawa ni Kirst sa mga raket nila.

Kung sakaling gamitin daw siya ni Kirst ngayon, hindi raw ito problema kay Kiray.

“Oo naman, pag trabaho, super game ako.

“Ayaw ko sa lahat, yung namimili ng trabaho, kahit anong character ‘yan.

“Mukha na akong tanga, super pangit, super hirap, hindi talaga ako namimili ng trabaho.

“Alam ko naman sa sarili ko na hindi niya ako ginagamit.  

“Kung meron mang nakakakilala kay Kirst, ako yun.”

Balewala rin daw kay Kiray kung lait-laitin siya ng bashers sa social media.

“Wala, wala kaming paki, actually, pinagtatawanan nga namin pag pinag-uusapan namin. 

“Kagabi nga, nag-post siya na parang kailangan ko ng yakap.

“Tapos ang dami nang nagta-tag sa akin sa akin, ‘Oy, yakapin mo raw, yakapin mo.’

“Tapos nag-text siya sa akin na parang ang dami na namang nagta-tag kami, nagtawanan lang kami.”

I think I need a hug

A post shared by Kirst Viray ???????? (@kirstviray) on


 


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN