Roxanne Barcelo admits breakup with Will Devaughn

IMAGE Reielle Deslate

Roxanne Barcelo on breakup with Will Devaughn: "We both have our pagkukulang. We could have done better."


Hiwalay na sina Roxanne Barcelo at Will Devaughn.

Ito ang inamin ng aktres nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang media sa thanksgiving presscon ng teleseryeng Wildflower, sa 9501 restaurant, ELJ building ng ABS-CBN, Quezon City, ngayong Miyerkules, January 31.

Ayon kay Roxanne, "Actually, pinakikinggan ko yung advice kanina ni Maja [Salvador], yung closing spiels niya, na kapag naibigay mo na lahat, wala na.

"Hindi ko alam, kasi meron namang patsika si Miss Zsa Zsa [Padilla] na after six months, nagkabalikan.

"Pero I don't know, e, ayokong tuldukan.

"Pero at the same time, I really want to focus on making myself happy and cool by myself muna.

"Kung may mga dumating, e, maganda. Sakto lang."

Sino nag-initiate ng hiwalayan?

"Uhm, [ako] nag-initiate, pero it was a mutual breakup," pag-amin ng 33-year-old actress-singer.

Noong August 2017, masaya pa ang dalawa sa pagpu-pomote nila ng pelikulang I Found My Heart In Sta. Fe na sila mismo ang producers.

Marami pa ang nagsasabing mauuwi na sa kasalan ang relasyon nila dahil kahit sa pinansiyal na aspeto ay nagkakasundo na sila.

May kinalaman ba sa hiwalayan nila ang pagsososyo nila sa pelikula?

Sagot ni Roxanne, "It was many little things na parang pag nagma-mature ka na kasi...

"Hindi kami nagbi-blame ng isa't isa. Hindi na kami dumating dun.

"It was more of... admittedly, we both have our pagkukulang sa isa't isa.

"We could have done better."


Stories We Are Tracking

Roxanne Barcelo hates it when girls get flirty with Will
Roxanne Barcelo hates it when girls get flirty with Will
Roxanne Barcelo reveals Will Devaughn's endearing traits
Roxanne Barcelo reveals Will Devaughn's endearing traits
Will Devaughn laughs off jealous streak of Roxanne Barcelo
Will Devaughn laughs off jealous streak of Roxanne Barcelo

=

FELL APART. Kailan pa sila naghiwalay?

Sagot ni Roxanne, "A few months ago, nito-nito lang, so malamig ang Pasko."

Hindi ba sila nanghinayang sa tagal ng relasyon nila at nauwi lang sa hiwalayan?

Aniya, "Four years and a half kami.

"It was the best relationship I've ever been in and he's the best man I've ever met.

"But at some point, we fell apart."

Nagkasawaan ba sila?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagtanggi ni Roxanne, "Oh, no, no, no...

"It's more of we really have different paths, that we have to grow independently and individually.

"Although nasa edad na nga tayo na... really to get married or settle down, it doesn't mean that you should because the world tells you so."

Are they civil?

Sagot ng aktres, "Oh, yes.

"Honestly, best friends pa rin kami.

"But I'll be honest when I say I'm also... I don't want to be romantic with him.

"Walang kiyemehan and everything like that, something like that—mga pa-pelikula na with benefits."

May mga naisulat ding blind items na kaya sila naghiwalay dahil mas marami raw kinikita si Roxanne at highly dependent na raw si Will sa kanya.

Pero mariin itong pinabulaanan ni Roxanne.

Aniya, "Opinyon niyo 'yan. Opinyon ba yun ng ibang tao?

"No, he's very financially stable, to be honest.

"He has four different businesses that he has with his friends.

"Hindi lang siya visible sa showbiz as much, but he's also signing with another network very soon.

"And he's very stable as a foreigner in the Philippines.

"So, ako naman, on my end, I respect him until now.

"The best man I've ever met. Kung kami magkabalikan, then that's God's will, literally."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN