Robin Padilla dishes out sex life with wife Mariel Rodriguez

IMAGE Instagram @marieltpadilla / Noel Orsal

Robin Padilla on active sex life with wife Mariel Rodriguez: "Kung pupuwede talaga, mga two times a day lang, okey na yun! Nagba-budget pa ako dun. Kailangan may pacing. Forty-eight na ako, e. Nung araw, puwede talagang all-night long!"


Ibinahagi ni Robin Padilla, 48, na “active” ang sex life nila ng misis niyang si Mariel Rodriguez, 33.

Noong nabuntis daw kasi si Mariel ay aminadong “nadiyeta” si Robin.

Pahayag ng aktor, “Ako po, kung pupuwede talaga, mga two times a day lang, okey na yun!

“Nagba-budget pa ako dun. Kailangan may pacing. Forty-eight na ako, e.

“Nung araw, puwede talagang all-night long!

“Pero pag ganitong 48 ka na, medyo kailangan kumain ka din, matulog ka din."

Best time daw na “paligayahin” ang asawa pagkagising sa umaga.

Nilinaw ni Robin na ang kanyang tinuran ay nasa konteksto ng gawaing pang mag-asawa.

Inihayag ito ng aktor sa presscon para sa iniendorso nila ng kapatid na si Rommel Padilla, ang Bravo male libido food supplement, na ginanap sa Black Mamba compound, West Avenue, Quezon City, kahapon, January 30.

Dito naging bukas si Robin sa pagsasabing nag-abstain siya sa sex noong buntis si Mariel.

Hirit ng aktor, “Totoo po yun, ha! Pati baras niromansa ko na! Hindi ako nagbibiro.”  

Kaugnay nito, sinabi ni Robin na hindi pa raw nila balak sundan agad ang anak nila ni Mariel.

Isang taong gulang pa lang ang anak nilang si Maria Isabella.

“Naku, huwag muna yun! Kasi nung nagbuntis siya hanggang sa dun nanganak, nadiyeta ako dun.

“Ngayon lang ako ulit rumi-recover.”

Gayunman, payag daw si Robin na magka-second baby sila ni Mariel kapag malaki na ang unang supling nilang mag-asawa.

“Sa ngayon, masayang-masaya kami kay Isabella.

“Siguro ipapasyal ko muna si Mariel ng anim na buwan.

“Di magdesisyon siya kung gusto niyang mag-anak ulit.

“Si Mariel kasi, parang nararamdaman ko, gusto pa niya.”


Stories We Are Tracking

Robin and Mariel Padilla celebrate baby's first birthday
Robin and Mariel Padilla celebrate baby's first birthday


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN