Sunshine Cruz settles money issue with friend

IMAGE Arniel Serato

Masaya si Sunshine Cruz na unti-unti nang naibalik sa kanya ng isang kaibigan ang inutang nitong pera na milyon ang halaga. May kulang pa raw ngunit nag-uusap naman daw ang magkabilang kampo upang ma-settle na ito.


Ilang araw nang may pinariringgan sa Facebook si Sunshine Cruz tungkol sa isang kaibigang hindi raw tumutupad sa usapan.

Ang usapin ay may kinalaman sa pera, na nagkakahalaga ng ilang milyon, kaya nakiusap ang aktres na huwag muna itong isulat dahil may nagaganap pang negosasyon.

Sa finale presscon ng Wildflower ngayong Miyerkules, Enero 31, kinumusta ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sunshine kung na-settle na ba ang utang sa kanya ng kaibigan.

Ayon sa Kapamilya actress, “Nakapag-usap na kami ng asawa, merong konting-konting kulang na lang.

"Pero gumagawa naman sila ng paraan to give it back to me, and I’m thankful for that.

"Kaya nga, ako, never ko siyang pinangalanan because kahit ganun, I still treasure the friendship dahil may pinagsamahan naman kami."

Ang asawa raw ng kaibigan ang namagitan sa kanila upang maibalik sa aktres ang ilang milyong pisong utang nito.

Saad ni Sunshine, “And sobrang grateful ako sa husband.

"Nakakausap ko na at naka-katext ko na rin ngayon yung friend ko about it.

"They promised naman na isi-settle nila sa akin, so wait-wait na lang ako."

Ibinahagi rin ni Sunshine ang isa pang pangyayari kahapon, January 30, na muntik nang magpahamak sa kanyang mga anak.

Aniya, “Yeah, kahapon, nawalan ng breaks yung sasakyan ng mga bata.

"Buti na lang hindi pa nakakapunta ang mga anak ko ng eskuwelahan."

Pagdating naman sa love life, going strong daw ang relasyon nila ni Macky Mathay III, ang half-brother ni Ara Mina.

WILDFLOWER FINALE. Samantala, dalawang linggo na lamang mapapanood sa ere ang Wildflower.

Tumagal ito sa ere ng halos isang taon.

Aminado si Sunshine na malaki ang naitulong sa kanya ng teleseryeng ito ng ABS-CBN.

“Sobrang laking bagay at laking pasasalamat ko sa RSB [Ruel S. Bayani] unit for giving me Camia Cruz.

“I’ve been very open about it that I’m very blessed and grateful na ibinigay sa akin ‘tong role na Camia Cruz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi ngayon nga, sabi ko nga, parang kahit palitan ko na yung name ko na Camia Cruz, okay lang, e.

"Kasi, people call me Camia," pagtukoy ni Sunshine sa pangalan ng kanyang karakter.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN