Aiko Melendez denies filing a case against ex-husband Jomari Yllana

IMAGE Noel Orsal

Aiko Melendez admits she's dating again: "I'm seeing someone special right now, someone makes me happy and smile. Non-showbiz, he's a politician. Mas tahimik, less hassles and less controversies."


Itinanggi ni Aiko Melendez ang balitang sasampahan diumano niya ng kaso ang ex-husband na si Jomari Yllana.

Ito ay kaugnay ng nalalapit na pagiging ama ng aktor sa anak nila ng live-in partner na si Joy Reyes.

Pahayag ni Aiko, “I’m very happy for them and no truth to the rumors that I am suing them.

“I like to clarify that because it’s causing tension between me and the future wife of Jomari.

“Walang ganun to begin with because matagal na kaming annulled ni Jomari.

“So, walang kaso na puwede kong ikaso kay Jomari.

“For a fact na may nakarelasyon naman na si Jomari na approved ako dun, and now na he’s having a baby, a baby is always a blessing, why would I hinder that happiness?”

Dagdag pa ng 42-year-old actress, “Pero ganun talaga, e, we all have to move on.

“The chapter of Jomari’s life in my life is closed now.

“It’s my respect dun sa upcoming baby, lalo na maselan yung pagbubuntis ni Joy.

“Ayoko nang mag-add ng tension dun, let’s give it to them.”


Stories We Are Tracking

Jomari Yllana to become a dad again after 19 years
Jomari Yllana to become a dad again after 19 years
Aiko Melendez hints Jomari Yllana's GF is jealous of her
Aiko Melendez hints Jomari Yllana's GF is jealous of her

Bukod pa rito, si Aiko ay nagkaroon na rin ng pangalawang asawa pagkatapos nilang maghiwalay ni Jomari.

Ikinasal ang aktres sa model-chef na si Martin Jickain noong 2006, pero na-annul ang kasal nila noong 2010.

Mayroong isang anak sina Aiko at Jomari—si Andre, na ngayon ay 18 years old na.

Kumusta ang pagiging ama ni Jomari sa kanilang anak?

Ayon sa aktres, “Ang maganda is aware siya na mayroon siyang pagkukulang dati, pero ginagawan niya ng paraan.

“So, sana mas maging consistent siya dun sa paggagawa ng paraan na yun, lalo na ngayon na magkaka-baby na sila.

“Sana si Andrei, since Andrei is the first born, e, he will always have time, di ba?”

Mayroon ding anak si Aiko mula kay Martin—si Marthena, 10.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Aiko sa farewell/thanksgiving presscon ng drama series na Wildflower, sa 9501 restaurant ng ABS CBN, kahapon, January 31.

NEW INSPIRATION. Samantala, inamin ni Aiko na may bagong nagbibigay ng inspirasyon sa kanyang buhay ngayon.

Ito ay isang pulitiko mula sa Norte na ayaw munang niyang pangalanan.

Saad niya, “I’m with someone special.

“I’m seeing someone special right now, someone makes me happy and smile.

“Non-showbiz, he’s a politician. Mas tahimik, less hassles and less controversies.

“I wanna keep it private this time 'cause most of my relationships are out in the open.

“And usually… it’s one of the usually nagiging pressure sa relationship namin pag nalalaman na, kasi ang dami nang factions, di ba?

“This time, I want to keep it private.”

Dagdag ni Aiko, “Na-meet na siya ng family ko and okay naman.

“It’s still a baby but, you know, I’m very happy and I hope and pray that siya na.”

Parehong abala si Aiko at ang pulitiko sa kani-kanilang karera, pero naiintindihan daw nila ang pagiging hectic ng schedule ng bawat isa.

“Lately talaga medyo naging issue, kasi wala kaming masyadong panahon together, but very happy ‘cause he understands.

“Naiintindihan niya ang work ko, and ako din naman, naiintindihan ko ang work niya.

“Kasi dati naman akong public servant din, so walang hassle.”

Si Aiko ay naging konsehal ng Quezon City.

POSSIBILITIES. Bukas din kaya siyang magkaanak muli?

Sagot ni Aiko, “Oo, pero hindi kumportbale si Marthena, gusto niya she’s always the baby in the family.

“May girl and boy na ako, that’s enough.

“Hindi ko alam, pero as of now, hindi ‘yan ang priority ko.”

Bukas din si Aiko sa posibilidad na ikasal siyang muli. 

“You know, kung maging okay yung ganito, yung takbo ng what we have right now, kung magtuluy-tuloy, who knows, di ba?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May tsansa din kayang balikan ulit niya ang pulitika, lalo’t malapit na naman ang eleksyon?

Saad ni Aiko, “I’m waiting for the sign.

“I’m waiting for that sign kung meant ba akong bumalik sa politics o hindi.

“I still have two months to decide. Councilor pa rin, QC.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN