Zsa Zsa Padilla on wedding with Conrad Onglao: "Malapit na."

IMAGE Zsa Zsa Padilla Instagram

Zsa Zsa Padilla on relationship with Conrad Onglao: "Talagang alam na namin yung ugali ng isa't isa. Ang masasabi ko lang na we improved… We're both artists kasi, sobra kaming sensitive. Yun lang naman yun, e. So, I tried to adjust and not to take everything personally."


"Malapit na."

Ito ang tugon ng Divine Diva na si Zsa Zsa Padilla nang mausisa tungkol sa pagpapakasal nila ng arkitektong si Conrad Onglao.

Dagdag pa niya, “Ako lang yung may inaayos pa. Hindi ko pa ma-discuss.  

"So, sana matapos yun."

Ibig sabihin, hopefully, ngayong 2018 na sila magpapakasal?

“Oo… palagi na lang hopefully this year," nakangiting sambit ng singer-actress.

“Hindi, basta gusto ko lang simple talaga, ikinasal na. 

“Sasabihin ko lang it’s just gonna be a simple ceremony. So, nothing fancy.”

Indoor or outdoor wedding?

“I don’t know, I don’t know yet.”

May mga preparations na ba, gaya ng wedding gown?

“Wala, walang wedding gown, walang ganyan, walang ano. 

“Gusto ko lang mangyari, mangyari na. Ang tagal-tagal na, e.”

Ibig sabihin, malalaman lang ng lahat kapag tapos na?

“Oo. Kasi sobrang simple lang,” sabi ni Zsa Zsa.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Zsa Zsa Padilla matapos ang farewell presscon ng teleseryeng Wildflower, na ginanap sa 9501 Restaurant, ELJ Building, ABS CBN compound, kahapon, January 31.

ADJUSTMENT PERIOD. Naniniwala si Zsa Zsa na nalagpasan na nila ni Conrad ang rough times sa kanilang relasyon.

Saad ng Divine Diva, “I think so. Kasi magpu-four years na kami, minus six months that we weren’t together.

“I think, yung adjustment period namin, natapos na.

“We finally… talagang alam na namin yung ugali ng isa’t isa.

“Ang masasabi ko lang na we improved…

“We’re both artists kasi, sobra kaming sensitive. Yun lang naman yun, e.

“So, I tried to adjust and not to take everything personally.”

Pag lumalabas ang sensitive moods nila ni Conrad, sino ang madalas mag-give in, naggi-give way?

Sagot ni Zsa Zsa, “Both ways, dapat both ways ‘yan. Both naman, oo.

“Kasi lahat ng tao may topak, may moods, may ganyan.

“So, kailangan talagang mag-a-adjust ka, huwag papatol, bad mood siya ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Because it’s mostly work-related.”

Patuloy niya, “Sa aming dalawa, we click so well.

“We’re actually compatible, we like the same things. 

“We love to travel, we love to cook, we enjoy walking.

“Actually, in-enrol ko siya sa gym ngayon.

“We’re both taking… oo, kaya naman niya, slowly. Kung ano lang yung rhythm mo.

“So, naiintindihan na niya yung mga ganun. 

“Tapos, I’m teaching him how to de-stress. I’m teaching him how to relax.

“Ako kasi, art of relax, memorize ko na ‘yan.

“Siyempre, pag wala kang project, alam na alam ko ang mag-chill. 

“Siya kasi, nung una ko siyang nakilala, he’s always…

“Sinasabi ko sa kanya, 'Babe, it’s weekend, we better learn how to lie down and chill.'”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN