Ara Mina recalls how director Maryo J. delos Reyes never gave up on her

IMAGE Mark Atienza

Ara Mina on how director Maryo J. delos Reyes motivated her in one of her scenes: "Hindi niya ako pinabayaan, hindi niya ako tinantanan. 'Kaya mo 'yan, kaya mo 'yan.'"


Hindi malilimutan ni Ara Mina kung paanong hindi sumuko sa kanya ang yumaong direktor na si Maryo J. delos Reyes sa isang eksena ng ginagawa nilang pelikula.

Twenty years old lang daw si Ara nang mapasama siya sa pelikula ni Direk Maryo J. na Pahiram Kahit Sandali (1998).

Co-stars niya rito nina Christopher de leon at Alice Dixson.

“Medyo baguhan pa po ako sa pelikula noon. Hirap pa akong umarte,” simula ni Ara sa eulogy para kay Direk Maryo J. sa burol nito sa Loyola Memorial Chapel, sa Commonwealth Avenue, Quezon City, Miyerkules ng gabi, January 31.


Stories We Are Tracking

Celebs, colleagues mourn death of Direk Maryo
Celebs, colleagues mourn death of Direk Maryo

Kailangan daw umiyak ni Ara sa eksena, subalit hindi siya makaiyak.

“Meron isang scene na kailangan kong umiyak.

“So, I remember, yung image ko nung time na yun, nagpapa-sexy ako.

"So, hindi ako talaga makaiyak sa isang eksena. And kinakabahan ako."

Naging mahaba raw ang pasensiya ni Direk Maryo J. sa kabila ng kanyang pagiging baguhan.

Lahad ng 38-year-old actress, “So, hindi niya ako pinabayaan, hindi niya ako tinantanan. ‘Kaya mo ‘yan, kaya mo 'yan.’

“Kasi, lalo na nung time na yun, minsan pag nagpapa-sexy ka, sinasabi, ‘Ham actress naman ‘yan, e.’

"Mga ganun... ham actress.

“Tapos, isa siya sa nagbigay ng tiwala sa akin.

"'Alam mo, kaya mo umiyak. Kaya mo ‘yan.' As in, hindi talaga niya ako tinantanan.

"Siya na yung umiyak for me."

Nakuha raw ng direktor ang respeto ni Ara.

“Simula nung nangyari yun talaga, lahat ng advice niya, ina-apply ko rin sa ibang pelikulang ginawa ko sa mga sumunod.”

TEDDY BEAR. Muli raw silang nagkatrabaho ni Direk Maryo J. sa GMA-7 drama series na Dapat Ka Bang Mahalin noong 2009.

Kuwento ni Ara, “Basta every time na nagkikita kami, tawag ko sa kanya, Teddy Bear.

“Pag tumatawa siyang ganun, hinihimas ko yung tiyan niya, tapos niyayakap ko siya.

“Sobrang naging close talaga ako sa kanya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isa raw sa huli nilang pag-uusap ay ang planong gumawa uli sila ng pelikula.

“Nakakalungkot, nakakabigla lang dahil nag-uusap pa kami, ‘Gawa tayo pelikula ulit.’"

Sagot pa raw ni Ara kay Direk Maryo J., “Sige, Direk, marunong na akong umiyak ngayon, kahit di mo na ako i-motivate.’”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN