Zsa Zsa Padilla can't wait to have a grandchild from daughter Karylle

IMAGE Zsa Zsa Padilla Instagram

Zsa Zsa Padilla on her wish to have a grandson from daughter Karylle and son-in-law Yael Yuzon: "I wanted a boy, kasi kakaunti lang ang boy sa family ng Padilla. Alam niyo bang iisa lang ang pamangkin kong lalaki? Iisa talaga… lahat kami puro babae."


Ipinagdarasal ni Zsa Zsa Padilla na magkaroon na siya ng apo sa panganay na anak na si Karylle at sa manugang na si Yael Yuzon.

Ayon sa 53-year-old singer-actress, “Siyempre, ipinagdadasal, ipinagdadasal ko ‘yan. 

“Tanggap na tangap ko nang maging lola, ‘no!”

Walang nakikitang problema si Zsa Zsa kina Karylle at Yael kaya tumatagal ang pagkakaroon nila ng baby.

Ikinasal sina Karylle at Yael noong March 2014.

Pahayag ng Divine Diva, “I think they’re working on it. 

“‘Yan ang alam ko lang, they’re working on it. 

“I hope it happens soon and I’m praying for them.”

Alin ang mas gusto niyang maging apo—lalaki o babae?

Mabilis na sagot si Zsa Zsa, “I wanted a boy, kasi kakaunti lang ang boy sa family ng Padilla. 

“Alam niyo bang iisa lang ang pamangkin kong lalaki?

“Iisa talaga… lahat kami puro babae.

“Kaya nga si Dolphy, natuwa, kasi babae ang anak namin.

"Dahil siya naman, puro lalaki."

Ang yumaong Comedy King na si Dolphy ang dating partner ni Zsa Zsa.

Mayroon silang dalawang anak na babae—si Zia Quizon at ang adopted daughter nilang si Nicole.

Sabi pa ni Zsa Zsa, “Gusto ko talaga ‘Lola,’ gusto ko patawag na ‘Lola.’”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Zsa Zsa Padilla sa farewell presscon ng teleseryeng Wildflower, sa 9501 Restaurant, ELJ Building, ABS CBN compound, kahapon, January 31.

NO MORE POWERS. Sa posibilidad naman ng muling pagkakaroon ng anak, wala na raw kakayahan pa si Zsa Zsa.

Kahit pa malapit na silang magpakasal ng kanyang boyfriend na si Conrad Onglao.

“Ay, wala na. Forty-six years old pa lang, give up na. 

“I got menopause at 46, very early,” sabi niya.

Hindi na rin daw siya papayag kahit may bagong teknolohiya para magkaanak ang mga nasa edad niya.

“Ay, yung ilalagay sa iyo? No more na…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I think I’m done with that, tapos na ako.

“Kasi ini-enjoy ko yung time namin ni Conrad together. 

“Kasi malalaki na rin yung mga anak niya.”

May honeymoon pa ba kung sakaling ikasal sila ni Conrad?

Nakangiting sabi ni Zsa Zsa, “Wala na, ang tanda na namin. 

“We just like things that we enjoy together, travelling… yun nga, number one, and we’re dreaming of having our own farm.

“Kasi mahilig kami sa halaman pareho. We’re looking at ano… hindi ko puwedeng i-reveal.”

Paano kung si Zia ang maunang magpakasal?

“I think naman Zia is very young. 

“But, well, nagsalita ako… Sixteen, and I had her age niya ngayon, 26 years old. 

“But it depends kung ready na sila. I think dapat maging handa ka, e.”

Sixteen years old lang si Zsa Zsa nang isilang niya si Karylle.

Ang boyfriend ni Zia ay ang panganay na anak nina Martin Nievera at Pops Fernandez na si Robin Nievera.

Hindi ba nababanggit nina Zia at Robin na nasa ganung level na sila?

“Wala pa. Wala pa e,” iiling-iling na sagot ni Zsa Zsa

Paano pag ready na sila?

“Ako ang ready,” sabi ni Zsa Zsa, na ang tinutukoy ay ang pagpapakasal kay Conrad.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN