Marian Rivera speaks up about recent encounter with Karylle

IMAGE Courtesy: @marianrivera / @anakarylle on Instagram

Masaya si Marian Rivera (kaliwa) na nagkita na sila sa wakas ni Karylle (kanan), ang ex-girlfriend ng mister niyang si Dingdong Dantes. 


Hindi maitago ni Marian Rivera ang saya sa pagkikita nila ni Karylle sa isang event noong January 26.

Sa naturang okasyon ay nagbatian ang dalawang aktres na may ugnayan sa aktor na si Dingdong Dantes.

Si Marian ang misis ni Dingdong at si Karylle ay naging girlfriend ng aktor.

Unang nabunyag ang pagkikita nina Marian, Dingdong, at Karylle nang ikuwento ito ni Vice Ganda sa ABS-CBN noontime show na It’s Showtime noong Lunes, January 29.


Stories We Are Tracking

Karylle bumps into Marian and Dingdong at an event
Karylle bumps into Marian and Dingdong at an event

Sa panayam ng GMA-7 news programa na 24 Oras kay Marian na umere kagabi, February 1, sinabi ng Kapuso actress na wala namang masamang tinapay sa kanya.

Kuwento niya, "Wala naman talagang problema sa akin since day one, e.

"Siguro ito ang tamang panahon na nagkita kaming dalawa.

“At masaya dahil nagbatian naman kaming dalawa at wala namang problema.”

Pahabol pa ni Marian, mas magandang magkaayos na ang lahat at dapat ipairal ang pagmamahalan.

Aniya, “Mas maganda na good vibes lang at lahat magkakasundo at mas maganda talaga na pinaiiral mo ang love.”

Taong 2008 tinuldukan nina Dingdong at Karylle ang tatlong taon nilang relasyon.

Na-link naman si Marian kay Dingdong dahil sa pinagsamahan nilang teleseryeng Marimar, na umere sa GMA Network mula August 2007 hanggang March 2008.

Kalaunan, napag-alaman ng publiko na may relasyon na ang dalawa.

Ikinasal si Marian kay Dingdong noong December 30, 2014.

Nauna namang ikinasal si Karylle sa Sponge Cola vocalist na si Yael Yuzon noong March 21, 2014.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN