Former Super Sireyna clarifies he's not an advocate of reverting back to being a man

IMAGE Courtesy: Mark Estephen on Facebook

Ayon kay Mark Estephen, dating Super Sireyna winner Sabel Gonzales, ang kanyang pagbabalik sa pagiging lalaki ay hindi nangangahulugang hinihikayat din niya ang iba pang transgenders na gumaya sa kanya. Ang nais lamang daw niya ay ipalaganap ang ginawang pagbabago ng Diyos sa kanya. 


Nilinaw ng dating "Super Sireyna" winner na si Sabel Gonzales na hindi niya hinihikayat ang kanyang kapwa-"trans sisters" na bumalik din sa pagiging lalaki.

Noong January 23, 2018, inanunsiyo ng Super Sireyna Queen of Flowers 2014 ng Eat Bulaga! na bumalik na siya sa kanyang totoong kasarian dahil sa Panginoon.

Kasunod nito, ginamit na rin niya ang kanyang totoong pangalan—Mark Estephen.

Umani ng papuri ang pagbabalik-loob ni Mark sa pagiging lalaki.

 


Stories We Are Tracking

Former Super Sireyna winner now lives as a man
Former Super Sireyna winner now lives as a man

Sa bagong Facebook post niya na may petsang January 27, ipinaliwanag ni Mark na kahit nagbalik-loob na siya sa pagiging lalaki ay hindi nangangahulugang hinihikayat niya ang ibang miyembro ng gay community na gumaya sa kanya.

Ang nais lamang daw niya ay ipaalam sa publiko kung paano siya binago ng Diyos.

Mensahe niya sa Facebook, “To all my Transgender sisters and family:

“It is my advocacy to tell the truth about Jesus, to get to know Jesus as our Lord and Savior, because He is the way the truth and the life to the father in heaven. To share the Good news and preach the gospel of the Lord.

“It is not my advocacy to tell our trans sister that they need to be back as a man.

"I am Sharing and expressing the joy in my heart that I found my salvation through Jesus.

"It is about Jesus, it’s not about me. Only God can change you for His Will.

"In the end of the judgement day, it is between you and the Lord."



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN