Sunshine Cruz to undergo surgery to correct serious eye trauma

IMAGE Noel Orsal

Sunshine Cruz is bracing for an expensive surgery in the States for injury caused by unexplained black eye. "Eto yung naging trauma ko before... Huwag na nating anuhin, basta that happened to me..." is all she's revealing.


Pinaghahandaan na ni Sunshine Cruz ang pagpunta sa Amerika para sa gagawing operasyon sa kanyang mga mata.

Planong lumipad ng aktres sa Abril, pagkatapos ng graduation ng kanyang anak.

Ano ba ang problema sa kanyang mata?

Tugon ni Sunshine, “Hindi mo ba nakikita? Yung isa nakalabas, yung isa nakapasok, because of the trauma before.”

Ipinakita sa amin ni Sunshine sa kanyang cell phone ang larawan kung saan makikita ang pagkakaroon ng black eye sa isang bahagi ng kanyang mata.

Anya, “Eto yung naging trauma ko before, talagang lumabas yun, e.”

Tumanggi si Sunshine na sabihin kung ilang taon na niyang dinadala ang nangyari sa kanyang mga mata.

“Huwag na nating anuhin, basta that happened to me.”

Hindi rin nilinaw ng Kapamilya actress kung saan niya nakuha ang black eye, pero makahulugan ang facial expression na ipinakita sa amin nito.

Sabi lang niya, “Nagiging bother for me as an actress, kailangan ang iyong mata ay pantay.

“So, matagal na, dinadaya, dinadaya, pero lumalabas pa rin kahit dayain sa makeup, e.

“Sa pag-aartista ang bread and butter ko, kaya kailangan pantay…”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sunshine sa finale presscon ng Wildflower noong Miyerkules, January 31.

Magtatapos na ang action-drama series na ito ng ABS-CBN sa susunod na linggo.

ANSWERED PRAYER. Maglalaan nga raw ng malaking halaga si Sunshine sa buong proseso ng pagpapagamot niya sa mata.

Paliwanag niya, “Kasi eyeball ‘yan, e.

"I prepared at least a million [pesos] for that, sana kasya na yun.

“Oculoplastic surgeon ang gagawa, hindi lang basta plastic surgeon... kasi eyeball talaga.

“The eyeball needs to be pushed back [sa kanan] and this one [sa kaliwa] lumubog, kailangang lumabas.”

Ayon sa www.eyehealthweb.com, "Oculoplastic surgery is a general term used to represent a variety of procedures that involve the orbit, eyelids, tear ducts, and the face. Ocular reconstructive surgery, aesthetic eyelid surgery, facial plastic surgery, and cosmetic procedures fall into this category."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ipinagpapasalamat ni Sunshine na hindi naapektuhan ang kanyang eyesight sa naidulot na uneven alignment ng kanyang dalawang mata.

Sasailalim daw muna ang aktres sa mga test at isa-isa niyang itong inilahad.

“Merong mga CT scans na kailangan ko munang gawin and then… 

“Magkakaroon muna ng consultation, which is expensive, four hundred dollars.

“Nakakatuwa nga, e, kasi ipinagdasal ko ‘yan kay Lord na I really need that badly. 

“Sabi ko, 'Lord, bigyan niyo po ako ng project para panlipad sa States at pampagamot.'

“Wala pang isang linggo, ibinigay sa akin ang Century Tuna, so nakakatuwa lang."

Patuloy ni Sunshine, “Hindi ko na kayang mag-therapy. Pag-uwing-uwi ko dito, I need to work. 

“Kailangan ko lang talaga I need to be healthy and in tip-top shape to be able to work properly.

“And to be able to provide for the kids. Yun lang naman ang aim natin sa buhay.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN