Paolo Contis not worried about long-time friend John Lloyd Cruz: "Bakit? I think choice niya yun."

IMAGE Noel Orsal

Paolo Contis makes a strong case for his friend John Lloyd Cruz claiming his personal space. "Bilang public figures, people expect us to give them everything. Gusto nila kung ano yung gusto nila, iyon ang susundin ng artista. E, ever since si John Lloyd, hindi ganun. Para sa akin, hangga't wala siyang sinasaktang tao, kung masaya siya, walang problema dun," he argues.


Kinontra ni Paolo Contis ang opinyon ng ilang tao na tila hindi maayos ang takbo ng buhay ngayon ng kaibigan niyang si John Lloyd Cruz.

Nagkasama sina Paolo at John Lloyd sa dating youth-oriented drama series ng ABS-CBN na Tabing Ilog (1999-2003).


Pahayag ni Paolo tungkol kay John Lloyd, “Hindi naman siguro… hindi naman siguro ganun, masaya naman yung tao, di ba?”

Kasalukuyang buntis ang girlfriend ni John Lloyd na si Ellen Adarna.

On leave din ngayon si John Lloyd sa showbiz.

Hindi ba nanghihinayang si Paolo na tila napabayaan na ng kaibigan ang showbiz career nito?

Pakli ng 33-year-old Kapuso actor, “Hindi. Bakit? I think choice niya yun.

“Siguro mas manghihinayang ako kung talagang may ginawa siyang hindi maganda, di ba?

“Ito, dahil sa love. Mukha namang gusto niya yung ginagawa niya, masaya siya.

“Minsan kasi, ang mahirap sa atin is yung bilang public figures, people expect us to give them everything.

“Gusto nila kung ano yung gusto nila, iyon ang susundin ng artista.

“E, ever since, si John Lloyd, hindi ganun. Kahit nung panahon ng... hindi ganun si John Lloyd.

“Ngayon lang kasi may social media, e, so iyon lang."

Diin pa ni Paolo, “Para sa akin, hangga’t wala siyang sinasaktang tao, kung masaya siya, basta masaya sila, walang problema dun.

"Kasi pag hindi naman niya sinunod ang gusto niya, makikinig siya sa lahat, baka hindi siya maging masaya.

"Baka mas lalo lang sumama."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Paolo sa taping ng Stories For The Soul, sa DICT Compound, Brgy. Paligsahan, Quezon City, noong Sabado, January 27.

Bida sina Paolo at Rodjun Cruz sa "Rehas" episode, na mapapanood sa GMA-7 sa February 25.

PARTING HUGS. Ayon pa kay Paolo, kung buntis si Ellen, nasa edad na si John Lloyd para maging ama.

“Isa pa yun, thirty-four na siya, a little older than me. I’m thirty-three, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sa Tabing Ilog, ako ang pinakabata, tapos John Lloyd.

“Sa tingin ko, okay yun, kung may baby sila.

"It’s another good inspiration to work better, to be more responsible.

“Ibang klaseng inspirasyon naman yun to work, di ba?

“Ang abangan na lang natin yung pagbalik niya, habang masaya siya, tapos bumalik siya.”

“Iyon ang abangan nila, hindi yung puro bash na lang nang bash, kawawa din yung tao.”

Noong June 2016 ay nanalo si John Lloyd bilang Best Actor sa 39th Gawad Urian para sa pelikulang Honor Thy Father.

Ang girlfriend naman ni Paolo na si LJ Reyes ang nanalong Best Actress para sa Anino Sa Likod Ng Buwan.

Iyon daw ang huli nilang pagkikita ng kaibigan.

Kuwento ni Paolo, “Ang tagal niya akong niyakap, tapos sabi niya, ‘Magkita tayo!’

“Sabi ko, ‘Sige!’

“Tapos nagka-text-an, may mga times na hindi puwede yung isa, hindi puwede yung isa, tapos medyo nawala uli.”

Kamakailan ay nag-post si John Lloyd sa Instagram account nito ng litrato ng bahay sa Pagsanjan, Laguna, kung saan sila nag-taping noon ng Tabing Ilog.

Tabing Ilog

A post shared by John Lloyd Cruz (@johnlloydcruztm) on

Ani Paolo, “Nung pinost niya yung bahay sa Pagsanjan, sinusubukan kong mag-comment.

“Bawal mag-comment, e, yung ano niya, limited yung comment.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN