Regine Velasquez hints at make-up sex with hubby Ogie Alcasid after a quarrel

IMAGE Noel Orsal

Regine Velasquez on what usually comes next after a squabble with hubby Ogie Alcasid: "Siyempre kapag mag-asawa kayo, minsan-minsan nagkakairingan. Natural naman yun, dun na papasok ang sex."


Parehong busy sa kani-kanilang trabaho ang mag-asawang Regine Velasquez at Ogie Alcasid.

May project din silang dalawa na magkasama, ang pre-Valentine concert na #paMORE.

Kung pareho silang pagod sa trabaho, paano na ang intimate moments nila, nabawasan ba?

“Parang hindi rin naman,” mabilis na sagot ni Regine.
 
Sabi pa niya, “Busy kami ngayon, so parang… what I like about working with him is that I’m always with him, I’m excited.

“Since he transferred, I don’t really get to work with him.

"I only get to see him at home or kapag may lakad kami."

Dating magkasama sa GMA Network ang mag-asawa, ngunit noong 2015 ay lumipat si Ogie sa TV5, at ngayon ay nasa bakuran na ng ABS-CBN.

Si Regine naman ay nananatili pa ring Kapuso.
 
Patuloy ng Asia's Songbird, “Kaya lang, siyempre kapag mag-asawa kayo, meron din minsan-minsan nagkakairingan.
 
“Natural naman yun, dun na papasok ang sex!”
 
So, sinasadya talagang magkaroon sila ng iringan?
 
“Siguro!” natatawang pagsang-ayon naman niya.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Regine sa presscon ng #paMORE sa Seda Vertis North Hotel, nitong Biyernes, February 2.
 
NATE IS ENOUGH. Nasa plano ba nilang sundan ang anak na si Nate, na ngayon ay six years old na?

Si Ogie ang sumagot na sarado na ang "tindahan."
 
Sabi naman ni Regine, “Matanda na kasi ako, majonders na ako, parang okey na kami kay Nate.”

Nandiyan naman ang siyensiya kung gusto pa nila.

Pero paliwanag ni Regine, “Si Nate is such a blessing kasi, siya, aksidente siya.

“Hindi namin siya ini-expect, ibinigay talaga siya.

“So, parang feeling ko, binigyan na nga ako, pupunta pa ba ‘ko sa siyensiya? 
 
“Ibinibigay yun talaga sa ‘yo. Kahit pumunta ako sa siyensiya, kung hindi, hindi talaga. 

“So, parang yun na yun, binigyan na ako, I’m happy. 

“If He’s going to give us one more, we’ll be so happy, but I think, tinatama Niya rin kasi.”
 
Mahihirapan na raw si Regine kung sakaling magsisimula siyang muling mag-alaga ng baby.
 
Saad ng 47-year-old singer-actress, “Anong edad ko pa? Parang hindi na rin fair dun sa next, wala na akong masyadong energy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I mean, hirap na nga kami kay Nate, napakaraming energy.”
 
SINGING NATE. Nahihilig na nga raw si Nate sa pag-awit.

Ayon kay Regine, “He’s very good, maano talaga yung ears niya, kasi yung music naman, it’s inherited. 

“But it’s also the influence, and since it’s our job, natural nadadala namin ito sa bahay.

“Siyempre, nai-influence namin. Nagbago na nga ang dream niya.

“Kasi before, gusto niyang maging CEO, yun ang term niya—Nate’s Airlines.

“He never wanted to be a pilot, he wanted to have his own airline.
 
“Tapos ngayon, ‘Mom, I changed my mind. I want to be a singer.’”
 
Sumaya ba sila ni Ogie sa pagbabago nito ng isip at maging katulad na rin nilang singer?
 
“Bata pa naman siya. Magbabago pa yun,” sagot ni Regine.

TOUGH COMPETITION. Sa kabilang banda, aminado ang Asia’s Songbird na mas mahirap sa kanilang concert artists ang bumuo ng isang malaking concert.

Katulad nga ng #paMORE na gaganapin sa Mall of Asia Arena sa February 10.
 
Dahil “almost” sold out na ang tickets ng concert nila nina Ogie, Erik Santos, at Martin Nievera, malaking blessing daw ito para kay Regine.
 
Aniya, “We’re very happy that people are excited to watch OPM artists again, ang daming nagku-concert for the past two years na OPM artists.
 
“Kasi ang kalaban namin, hindi lang naman ang show ni ganito or show ni ganyan, may foreign kaming kalaban.

“Ano naman ang laban namin sa foreign acts? Siyempre, hindi natin nakikita yun palagi.

"Merong ganun, siyempre mas iipunin nila ang kanilang pera to watch the foreign acts.
 
“I’m just very happy that people seem to be watching OPM shows lately.

“It’s good, para nakikita rin nila ang sariling atin, paano tayo mag-perform.

“Kinakarir kasi rin namin, hindi naman yung binibigyan lang namin kayo ng puchu-puchu na show.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May bago ring sisimulang programa si Regine sa GMA-7, ang The Clash, isang singing contest.
 
“I’m excited and, at the same time, medyo ninenerbiyos na ako,
 
“Kasi I haven’t done hosting job or singing contest show in a while.”
 
Ang huli pa raw niya ay ang Bet ng Bayan na pinagsamahan nila noon ni Alden Richards.
 
“Parang three years, four years ago pa, bata pa nun si Alden.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN