Regine Velasquez on losing stardom: "Pababa na talaga, accepted ko na yun."

IMAGE Noel Orsal

Regine Velasquez on celebrities losing stardom: "Mahirap lang yung hindi mo ina-accept, e. Kasi, magkakaroon ka ng maraming ilusyon and, at the end, you pressure yourself. Then, you just get your heart broken."


Para iwas-stress, hindi na raw iniisip ni Regine Velasquez kung laos na ba siya o hindi.

Sa press conference ng pre-Valentine concert nila nina Martin Nievera, Erik Santos, at asawang si Ogie Alcasid, ang #paMORE, ngayong Biyernes, February 2, napag-usapan ang tungkol sa kanilang celebrity status.

Nabanggit kasi nina Martin, Ogie, at Regine na napanood nila ang bagong pelikula ni Hugh Jackman na The Greatest Showman.

Sa Hollywood film na ito, ang karakter ni Jackman na si P.T. Barnum ay dumating sa puntong na-depress dahil halos nawala na ang itinaguyod niyang career sa sirkus.

Dahil dito, natanong ang Pinoy veteran singers kung ano ang kanilang mararamdaman kung umabot sila sa sitwasyong pababa na rin ang estado nila sa showbiz.

Sagot ni Regine, “Personally, sa akin, nandito na ako sa time ng career ko na ganun na.

“Ako kasi, praktikal ako na tao. At saka nire-recognize ko naman yung pinamalagi ko sa industriyang ito.

“I am very aware of where I am now in this industry.

“Alam ko na hindi na kagaya noong dati. Hindi na ako yung sikat, alam ko na yun.”

Gayunman, patuloy ang pasasalamat ng Asia's Songbird dahil hindi pa rin nahihinto ang pagpasok ng mga oportunidad sa kanya.

Saad ng 47-year-old singer-actress, “I just feel very blessed that I am still given the opportunity to be able to perform, or nasa TV pa rin naman ako.

"Kumbaga, nasa TV pa rin naman ako.

“Pero nandito na ako sa age na ganun, pababa na talaga, accepted ko na yun.

“Mahirap lang yung hindi mo ina-accept, e.

"Kasi, magkakaroon ka ng maraming ilusyon and, at the end, you pressure yourself.

“Then, you just get your heart broken.”

Dagdag pa ni Regine, “Actually, hindi ko nga nalaman yung time na parang sumikat ako o kung sumikat ba talaga ako, alam mo yun?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ayaw ko nang isipin, basta ang alam ko lang, nagtatrabaho ako.

“Ang alam ko lang, blessed ako ni Lord, kasi binibigyan pa ako ng work at ng opportunity to be able to work and to work with other artists.”

DIFFERENT PRIORITIES. Aminado si Regine na, hindi tulad dati, mas kumaunti na ang mga proyekto at oportunidad na nakukuha niya.

“Palapit na yung sinasabi mo. Siguro may mas malapit pa run.

“Medyo ramdam na namin yun, na hindi na gaya ng dati,” sabi niya.

Nagbalik-tanaw siya sa panahong abalang-abala siya sa singing career.

Paglalahad ni Regine, “Like, ako before, natatandaan ko when I was younger, during '90s, every day, umaalis ako ng bahay.

“And I only sing and I don't do anything else. I only sing, hindi pa ako naghu-host.

“Hindi pa naman ako ganun, hindi pa naman ako umarte nun. Ang dami-dami kong raket, every day umaalis ako.

“Siyempre, mararamdaman mo ngayon na, 'Hmmm, parang dumadalang na.'

“Pero alam mo, ako, nae-enjoy ko pa rin yun.”

Isa sa mga dahilan kung bakit hindi ito masyadong isyu kay Regine ay ang pagbabago ng mga prayoridad niya sa buhay.

Aniya, “Ngayon, nandito na ako sa estado ng buhay ko na may family na ako, mayroon na akong anak.

“Naa-appreciate ko yung time na mayroon ako with my son and mayroon ako with my husband.

“So, hindi ko na masyadong napapansin na, 'Siguro laos na ako, wala nang masyadong gumugulo sa akin.'

“Hindi ko na masyadong napapansin.

“Kasi, kapag babae ka, naiiba rin talaga yung prayoridad mo sa buhay.”


Diin niya, “So, nandun din ako sa point ng buhay ko na natutuwa lang ako na nagtatrabaho pa ako, na mayroon pang taong interesado manood sa akin.

“Noong concert ko po nang solo... Alam niyo naman, hindi na ako nagku-concert ngayon nang solo kasi nai-stress na ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero nandun pa rin ang mga tao para makinig sa akin. Ia-appreciate ko na lang yun.”

Sa huli, sinabi ni Regine na bahagi ito ng showbiz industry.

“Ayaw ko nang isipin na, 'Shucks, laos na ako.'

"Ayaw ko na isipin yun dahil alam ko naman yun, e.

“Alam ko naman na ganun talaga yung cycle ng industriya natin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN