Aga Muhlach says Maryo J. delos Reyes saved him during his rebel years

IMAGE Mark Atienza / Facebook page of ToFarm

Aga Muhlach on the late director Maryo J. delos Reyes: "Kung sino ako ngayon, nag-umpisa lahat 'yan kay Maryo J. delos Reyes, when I did Bagets."


Hindi raw makakalimutan ni Aga Muhlach ang lahat ng pinagsamahan nila ng yumaong direktor na si Maryo J. delos Reyes.

Pumanaw si Maryo J. matapos atakehin sa puso sa Dipolog City, Zamboanga del Norte, noong Sabado, January 27. Siya ay 65 years old.


Stories We Are Tracking

Maryo J. delos Reyes passes away at 65
Maryo J. delos Reyes passes away at 65

Unang sumikat si Aga sa Bagets, isang coming-of-age movie na idinerehe ni Maryo J. noong 1984.

Kasama ni Aga rito sina William Martinez, J.C. Bonnin, Raymond Lauchengco, at Herbert Bautista.

Pahayag ni Aga, “Kung sino ako ngayon, nag-umpisa lahat ‘yan kay Maryo J. delos Reyes, when I did Bagets.

“From then on, the rest was history. And eto na po ako ngayon.”

Hindi raw siya pinabayaan ni Maryo J. kahit noong mga panahong nagrebelde umano ang aktor.

Kuwento ng 48-year-old actor, “During my time, in the '80s, there was a period na medyo nagrerebelde-rebelde ako nun.

“And again, it was just Mother Lily Monteverde na pinupuntahan ko. And then, Maryo was always there.

“He would just pick up the pieces for me. Parang gagawa siya ng pelikula para sa akin.

“As a matter of fact, Maryo and I have done eight to nine films together.”

Kabilang si Aga sa mga artistang biglaang nag-eulogy sa ikalawang gabi ng lamay kay Direk Maryo J. sa Loyola Memorial Chapels and Crematorium, sa Commonwealth, Quezon City, noong Miyerkules, January 31.

Dito nabanggit ni Aga na plano sana niyang gumawa muli ng pelikula kasama ang direktor.

“It’s just unfortunate. I was thinking of giving him a call.

"Kasi I was gonna offer him a movie sana na ako ang magpro-produce at siya yung magdidirek sa akin.

“And then, this happened. Hindi umabot.”

Pero naniniwala raw si Aga na nasulit ng direktor ang buhay nito hanggang sa huling sandali.

“But kasi, you know, I have a different perspective kasi sa death.

“Sa akin, if it’s your time, it’s really your time.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’m just happy that nung nawala siya, he was still that Maryo J. delos Reyes na walang sakit, walang dinadamdam.

“Hindi siya bedridden, hindi siya namayat o naghirap…

“Kumbaga, he was dancing, he was having fun, he was probably drinking. I don’t know, whatever…

“Maryo, just rest in peace. Maraming salamat.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN