Ogie Alcasid explains why he got emotional at daughter Leila's contract signing

IMAGE Noel Orsal

Ogie Alcasid on daughter Leila's contract signing with Star Music: "It's her time to shine. Parang nag-full circle."


Inamin ni Ogie Alcasid na naging emosyunal siya nang pumirma ng kontrata ang anak na si Leila Alcasid bilang bagong recording artist ng Star Music, ang recording arm ng ABS-CBN.

Si Leila, 20, ang panganay sa dalawang anak ni Ogie sa kanyang unang asawa na si Michelle Van Eimeren.

Pahayag ng singer-songwriter tungkol sa pagiging emosyunal niya, “E, hindi ko nga rin alam. Bigla na lang akong naging emotional. 

“Ganun pala yun, I don’t realize na kapag yung anak mo ay may milestone na sarili, bumabalik sa isipan mo na baby pa siya.

“Hindi ko rin inaasahan na magiging ganun ako.

“Ganun din naman, it’s a blessing.

“Sabi ko nga, it’s her time to shine. Parang nag-full circle."

Tatlumpung taon na si Ogie sa industriya, at ang panganay niyang anak ay nagsisimula naman.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Ogie sa press conference #paMORE, ang pre-Valentine concert nila ng misis niyang si Regine Velasquez, kasama sina Martin Nievera at Erik Santos.

Ginanap ang presscon sa Seda Vertis North Hotel, kahapon, February 2.

DADDY CUM MANAGER. Si Ogie rin ang tumatayong talent manager ni Leila.

Ayon sa kanya, may dalawang kanta nang nai-record si Leila na isinulat ni Marion Aunor.

Malapit na raw i-launch ang unang single ng anak.

May mga takot ba siya sa pagpasok ng anak sa mundong ginagalawan niya?

Tugon ni Ogie, “Well, hindi ko naman puwedeng sabihing wala, meron din. Pero ganun talaga, e.”

Ano ang pinaka-fear niya ngayon para sa anak?

“Siguro kasi, makukumpara siya lagi sa akin or sa amin.

"Of course, that’s unfair. She has her own music. 

"I have faith in her.

“Ang ganda-ganda ng songs niya at saka ang galing niya dun sa songs niya.

“I hope, ready siya dun.”

Patuloy ni Ogie, “Ngayon, may mga bashers na. Darami yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero feeling ko naman, na-prepare na siya, especially spiritually, panay ang dasal namin. 

“So, I guess na, sa parents, natural lang yun.”

Nasasaktan siya kapag naba-bash si Leila?

“Hindi naman, hindi naman.

“Pero siyempre, siya.

“I always tell her, ‘Anak, we’re only justified by God, by Jesus. We do not comply with the world. No one can ever say anything about you. In God’s eyes, we are magnificent, we are beautiful, we are created in His image and likeness.’

“'Ika nga nung pelikula na The Greatest Showman, ‘This is me.’

“May eksena dun na ‘this is me...’ kinamumuhian siya ng mga mayayaman.

“Pero sabi niya, ‘Kahit ano pa ang sabihin niyo, hindi niyo masisira ang katauhan ko because I was made by God.’”

Kahit nagsisimula na si Leila sa kanyang showbiz career, tutuparin pa rin naman daw nito ang pangakong magpapatuloy sa pag-aaral.

Ini-enrol na raw ni Ogie ang panganay na anak sa University of the Philippines, at sa susunod na semester ay mag-aaral na ito.

LEILA’S SUITORS. Kinamusta rin ng PEP.ph kay Ogie kung may mga nanliligaw na sa panganay na anak.

“May mga friends-friends, pero wala namang nanliligaw,” pakli niya.

Ipinaalala namin kay Ogie ang nabanggit niya noong may nagpaalam na sa kanyang makasama ang anak.

“Magagalit yun, basta!” natawa niyang sabi.

“Hindi naman nanliligaw, magkaibigan lang.”

Mahigpit daw siya pagdating sa gustong umaligid sa anak.

“Ewan ko ba sa mga millennials na ‘yan, ayaw yata ng nanliligaw. Gusto, intindihin agad. 

“Ganun din naman siya. At saka, hindi naman siya naghahanap.”

Hindi puwede sa kanya ang “no labels?”

“Ano yun? Bakit walang label?” balik-tanong ni Ogie.

Ang ina ni Leila na si Michelle Van Eimeren, mahigpit din ba tulad niya?

“Si Michelle kasi, nakakatuwa yun. Kinikilig yun sa mga nanliligaw kay Leila.

“Pero at the end of the day, siyempre baby niya ‘yan. Ayaw rin niya na kung sino lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I remember noong nag-break sila noong boyfriend, tinawagan niya [Michelle] ako, ‘Yang anak mo...’ Facetime kami. 

“So, you know, ang hirap, e, ang hirap makita ang anak mo na ganun.

“Alam mo naman kaming mga lalaki, wala kaming kuwenta!” natawang sabi ni Ogie.

THE CONCERT. Sa isang banda, masaya naman si Ogie nang malamang halos sold-out na ang #paMORE concert nilang magaganap sa MOA Arena sa February 10.

Sabi niya, “I think, sa panahon ngayon na ang dami-daming entertainers and, at the same time, maraming platforms, may entertainment, it’s a blessing na gusto pa rin nilang manood sa amin. 

“Ang hirap ng pera ngayon. Nakakatuwa na pinag-iipunan nila ang concert namin. It’s really a blessing.

“Kaya nga, kailangan, ibahin ang concert, iba yung kakantahin, iba yung io-offer mo.

“It’s concert challenge, masarap.”

Conscious daw silang hindi maulit kung anuman ang nagawa na nila sa dati nilang concerts.  Posible raw kasing maikumpara.

“Lalo na ngayong may YouTube na, sasabihin nila, ‘Ginawa na nila yun, ha!’” sabi ni Ogie.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN