Model-actor Marx Topacio on marrying girlfriend Maxine Medina: "Wala pa kami dun..."

IMAGE Glenn Regondola

Marx Topacio on secret of seven-year relationship with Maxine Medina: "Ako kasi... kapag nagkita, kailangang mag-usap. Kung may mga hindi ako masabi sa mga magulang ko, kaibigan ko, sa kanya ko sinasabi. So, wala talaga kaming itinatago, kaya yun, dahil open kami sa isa't isa, tumatagal kami."


Pitong taon na ang relasyon ng model-actor na si Marx Topacio at Miss Universe Philippines 2016 Maxine Medina, kaya marami na raw ang nagtatanong sa kanila kung kailan sila magpapakasal.

Para sa iba, nalampasan na nila ang tinatawag na "seven-year itch" ng isang relasyon, kaya ang susunod na raw ay ang pag-iisang dibdib.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Marx sa photo shoot niya para sa Yazz Prepaid Card ng Metrobank Card Corp., Inc. (MMC), sa Parallax Studio, Makati City, noong January 31, ito rin ang naging katanungan sa kanya.

Nakangiting pahayag niya, "Bakit ba laging itinatanong 'yan?

"Tanungin niyo ako next year, baka may sagot na ako.

"Wala pa kami dun... wala pa, wala pa naman."

Hindi pa ba siya tinatanong ni Maxine tungkol dito?

"Hindi siya ganun, e. Hindi naman siya ganun.

"Siyempre, alam mo naman ang mga babae, kung may pride ang lalaki, may pride din sila.

"Hindi siya ganun."

Paano ba umabot nang ganun katagal ang kanilang pagmamahalan?

Ayon kay Marx, "Siguro wala, kasi nung time [na yun], pareho lang kaming magkaibigan talaga.

"Kailangan kasi may time pa rin.

"Ako kasi... kapag nagkita, kailangang mag-usap.

“Kung may mga hindi ako masabi sa mga magulang ko, kaibigan ko, sa kanya ko sinasabi.

"So, wala talaga kaming itinatago, kaya yun, dahil open kami sa isa't isa, tumatagal kami."

Blessed ?? #marxine #marxinetravels

A post shared by Marx Topacio (@marx_topacio) on

TRIALS. Sa kabila ng matatag nilang pag-iibigan, marami pa rin daw pagsubok ang dumarating at pinagdaanan.

Katulad na lamang ng may mga lalaki pa ring nagkakagusto sa kanyang beauty queen-girlfriend.

Ano ang reaksiyon ni Marx kapag may umaali-aligid pa rin kay Maxine?

Aniya, "Sinasabi niya sa akin kaagad. Kinu-consult niya.

"Natatawa lang siya, natatawa din ako.

"E, talagang ganun. Linya niya 'yan, so kailangang marunong siyang mag-handle.

“Kaya sinasabihan ko siya na dapat alam mo kung paano mag-reject in a way na maganda ang approach."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Marami ang humahanga sa ganito niyang attitude, dahil kung ibang lalaki ay baka nagwala na ang mga ito sa selos.

Saad ng dating Encantadia cast member, "Siguro dahil hindi naman magkaiba yung path namin ni Maxine, kaya naiintindihan ko rin.

"Ako din minsan, nagkakaroon ng isang maselan na... kailangan talaga ay magkaroon kami ng mutual understanding.

"Communication talaga ang number one."

Pati raw ang naglalabasang sexy photos ng Miss Universe 2016 semifinalist ay walang problema kay Marx.

Sabi niya, "Ako pa nga yung kumukuha. Ako ang official photographer niya. So, ayun.

"Marunong siya. Marunong na siyang mag-pose, alam na niya ang angle niya.

"Since pareho kaming modelo, nakikita ko yung mga shot ng mga photographer, so may eye na rin ako kahit paano sa photography."

BASHERS. Samantala, hindi rin daw naiiwasang ma-bash sila, lalo na't public figure nga silang pareho.

Ano ang masasabi niya tungkol dito.

Giit niya, "Hindi ko binabasa, kasi minsan di mo maiwasang mainis.

"Lalo na yung time ng competition niya [sa Miss Universe 2016], sinabi ko rin sa kanya na huwag na siyang magbasa ng mga comment.

"Kasi ako, di ko rin ginagawa, kasi naaapektuhan din ako minsan.

"Kaya ganun na lang, huwag na lang pansinin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN