Mikael Daez sees no need for live-in arrangement with girlfriend Megan Young

IMAGE Noel Orsal

Mikael Daez explains why he doesn't see the need to pursue a live-in arrangement with longtime girlfriend Megan Young: "I guess you could say we've lived together already, specially since we've gone abroad so many times. So, we've gotten to know each other. So, far wala namang problema."


Ipinaliwanag ni Mikael Daez kung bakit sa loob ng pitong taong relasyon nila ni Megan Young ay hindi pa nila naiisipang mag-live in.

Pahayag ni Mikael, “Well, I have my own place, Megan has her own place.

“Siyempre, may sleepovers naman dahil we work together.

“It’s easier and then we travel a lot.

“At times we’re together for long stretches of time also, pero siyempre she has her own space, she needs her space also.

“Whenever she wants her space nandun yun.

“Pero the thing is, we like being together kasi.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mikael sa media launch ng lalabas nilang Kapuso daytime series ni Megan na pinagbibidahan rin ni Katrina Halili, ang The Stepdaughters.

Ginanap ang presscon nitong nakaraang Biyernes ng gabi, February 2, sa Prime Hotel, Sgt. Esguerra Ave. sa Quezon City.

Iginiit ni Mikael na hindi na nila kailangan pang magsama ni Megan 24/7.

Sabi pa nya, “We’ve been abroad three weeks at a time.

“Siyempre, alangan namang separate rooms kami, di ba? Hindi naman siya ganun.

“I guess you could say we’ve lived together already, specially since we’ve gone abroad so many times.

“So, we’ve gotten to know each other. So, far wala namang problema.”

Ibig sabihin, doon sila nag-live in habang abroad sila?

“Parang gano'n,” nakangiting pagsang-ayon ni Mikael.

“So, parang testing yun. Magandang excuse yun, di ba?”

CASH MANAGEMENT. Para sa mga live-in couples, madalas ay naghahati sila sa lahat ng gastusin sa bahay.

Sa paniniwala ni Mikael nangyayari na rin sa kanila ni Megan ang ganitong klaseng hatian sa kanilang relasyon.

Pag-amin niya, “Oo, we share a lot of stuff.

“A lot of our... we share our chef. Same ang diet namin halos, healthy eating.

“We share our cars. Laptop naman hindi puwedeng i-share.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung bed? Oo naman! Seven na years na kami. Okay lang 'yan.”

TRAVEL FUNDS. Maging sa travel expenses ay naghahati rin daw sila ni Megan.

“Oo, we put a fund na.

“'Tapos yun na ang gagamitin for travel para hindi na iisipin na, 'Ay, ikaw,' 'Ay, ako.'

“Kasi pag nagta-travel ka, iisipin mo pa, 'Ikaw magbabayad,' 'Ako magbabayad?'

“Mahirap yun.

“Mas madali, maglagay kayo ng isang... pumondo kayo.

“Ilagay niyo sa isang account, basta maubos yun okey na yun.

“Kahit maubos yun, okay lang yun. Parang wala nang ano, di ba?” paliwanag pa niya.

NO JOINT ACCOUNT. Wala raw silang joint account ni Megan para sa preparation ng pagbuo nila ng pamilya.

“Ay, wala. We have our own bank accounts.

“May joint account kami for travel.

“Magbubukas kami ng isang fund or credit card, yun ang gagamitin namin at mas madaling mag-track ng expenses namin,” lahad pa ni Mikael.

Kung ganito ka-organized ang set-up nila, magiging exciting pa ba ang engagement proposal nila o parang lalabas na parang official announcement na lang ito?

Mabilis na sagot ng aktor, “Oo naman. It's very, very exciting.

“Kahit hindi man malaki ang magbabago sa dynamic sa relationship namin in terms of interaction namin yung fact na magiging celebration yun.

“What is marriage? Celebration ng dalawang taong magiging isa.

“Sabi ko nga sa kanila, alam ko, lahat kayo, lahat ng kaibigan ko, magiging masaya.”

RELATIONSHIP PEGS. Sa married showbiz couples, sino ang peg nila?

“Cute yung ginawa nina Juday [Judy Ann Santos] at Ryan [Ryan Agoncillo].

“Modern na ba sila? Cute yung ginawa nila.

“Ryan and I got close in Ismol Family and hindi ko ma-explain, pero kinukuwento lang ni Ryan kung paano sila ni Juday, and I look up to them kasi ang saya ng relationship nila.

“I don’t know much about the relationship about Iya and Drew.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I know Iya a bit better than Drew. We haven’t really talked about relationships per se.

“Pero doon sa social media, parang ang saya-saya rin ng relationship nila.

“They try to do things together.

“Those two couples I really like.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN