Megan Young recounts bridal bouquet-snatching feat

IMAGE Noel Orsal

Megan Young admits that she wasn't really thinking of the consequences of her bridal bouquet-snatching feat during her good friend Maxene Magalona's wedding last January 11: "I think, I have competitive spirit in me. Hindi ko na iniisip nung time na yun."


Ang Miss World 2013 na si Megan Young ang nakasalo ng bridal bouquet noong ikinasal ang kaibigan niyang si Maxene Magalona sa boyfriend nitong si Rob Mananquil sa Boracay noong January 11.

This is our serious pose ????????

A post shared by Megan Young (@meganbata) on

Sa ginanap na press conference para sa bagong afternoon prime na pagbibidahan nina Megan at boyfriend na si Mikael Daez sa GMA-7, ang The Stepdaughters noong February 2 sa Prime Hotel sa Sgt. Esguerra Ave., Quezon City, may nagsabing hindi lang daw basta nasalo ni Megan ang bouquet, kundi “kinarir” daw niya talagang masalo ito.

“Magaling, di ba?

“Magaling akong sumalo ng bulaklak,” natatawang pag-amin ni Megan.

Doon na niya ikinuwento na may back story raw pala kung bakit niya kinarir ang pagsalo ng bridal bouquet ni Maxene.

“May back story para alam niyong lahat.

“Tawagan na para sa tapunan ng bulaklak.

“Sabi ni Mikael, 'Punta ka na run.'

“Sabi ko, 'Hindi, nakakahiya.'

“'Tapos sabi niya, 'Saluhin mo ang bulaklak. Siguraduhin mo ha? Siguraduhin mo na kukunin mo ang bulaklak.'

“Sabi ko, 'Ha? Sige!” natatawang kuwento ni Megan.

Umaasa ba siya na dahil siya ang nakasalo ng bouquet, siya na ang susunod na kakasal? Ganito kasi ang tradisyonal na pamahiin sa mga church weddings.

“Hindi! Gusto ko lang saluhin! Sabi niya e,” sabay halakhak ni Megan.

Alam ba niya ang kahulugan ng pagsalo niya ng bridal bouquet, kaya niya ito kinarir?

Pag-amin niya, “I think, I have competitive spirit in me.

“Hindi ko na iniisip nung time na yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN