Andrea del Rosario recalls late Maryo J. delos Reyes's kindness

IMAGE Courtesy of @andreadelrosariovm on Instagram

Actress-turned-politician Andrea del Rosario took to Facebook to express her grief over the untimely passing of acclaimed director Maryo J. delos Reyes. She regarded him as her friend, mentor, confidante and father figure. 


Kabilang ang actress-turned-politician na si Andrea del Rosario sa mga artistang tinuturing na parang isang ama ang yumaong film director na si Maryo J. delos Reyes.

Unang nakatrabaho ng kasalukuyang vice mayor ng Calatagan, Batangas si Direk Maryo sa GMA-7 teleserye na Munting Heredera noong 2011.

Nasundan pa ito ng Niño (2014) at Pare ‘Koy (2015).

Sa magkakasunod na posts sa Facebook page ni Andrea, nai-share niya kung paano katrabaho ang dekalibreng direktor at kung paano siya naapektuhan sa pagpanaw nito.

Naging confidante daw ni Andrea si Direk Maryo noong mga panahong stressed out na ang aktres dahil sa mga magkakasunod na personal na problema niya.
Huling nakausap ni Andrea si Direk Maryo noong kinu-convince daw siya nito na tanggapin ang isang project.
Pero tinanggihan daw ito ng aktres dahil kailangan niyang pumunta sa Amerika para sa isang surgery.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN