Megan Young not pressured to tie the knot: "No rush, honestly."

IMAGE Megan Young Instagram

Megan Young admits that she doesn't feel pressured to tie the knot with longtime boyfriend Mikael Daez: "Hindi naman ako napi-pressure kahit marami akong kaibigang ikinakasal. I don't feel any pressure and happy lang. If it comes, it comes. I mean, no rush, honestly."


Hindi raw naniniwala si Megan Young sa tinatawag na seven-year itch sa relasyon.

Nasa ika-pitong taon na sila ni Mikael Daez bilang mag-boyfriend at girlfriend.

Sa ginanap na press conference para sa The Stepdaughters, ang bagong afternoon prime na pagbibidahan nina Megan at Mikael para sa GMA-7, inilahad ni Megan ang ilang detalye tungkol sa relasyon nila.

Ginanap ang prescon noong February 2 sa Prime Hotel sa Sgt. Esguerra Ave., Quezon City.

Ayon kay Megan, “Hindi ako naniniwala run kasi, may mga nagbi-break na two years, three years, six years, ten years, so...”

Puwede na bang sabihin na nag-level up na talaga sila at papunta na sila sa puntong puwede na silang magpakasal ni Mikael?

Paglinaw ni Megan, “Well, for me, every day naman may level up naman ‘yan.

“Whether big or small, di ba, you learn something new?

“You help each other grow in different ways.

“Hindi lang ‘yan sa mga things like marriage or things like having children.

“There are other ways to level up our relationship and it’s already happening.”

LEVEL-UP. Paano niya nasasabing nagle-level up sila?

Lahad niya, “Well for us, we’re getting more involved with our family, as of now.

“I’m more involved with his family like his brothers and sisters. You know guiding them.

“He’s more involved with my brother and sister also.

“So, we’re leveling up because hindi lang kami pa-date-date para makalabas.”

Masasabi ba niyang parang “mag-asawa” na rin ang turingan nila ngayon?

“I’m not sure. Maybe, pero ang masasabi ko, we’re more involved.

“I don’t wanna put any labels like that in our relationship. But I can say, our relationship is very deep, very true and honest,” pagmamalaki niya.

Naipakilala na rin niya si Mikael sa pamilya niya sa Maryland.

Nakangiting sabi niya, “It was really nice and now that I’m older, mas close kasi ako sa kuya ko ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Seventeen years kasi ang age gap namin ng kuya ko.

“Now that I’m older, mas nakakausap ko siya, mas jive na kami and sobrang jive sila ni Mikael kaya happy ako dun.”

LIVE-IN RELATIONSHIP. Tinanong na rin si Megan tungkol sa live-in arrangement at kung pabor siya rito.

Aniya, “I think about it. I don’t think there’s anything wrong.

"I think people do it because it works for them.

“Of course, it’s kind of taboo in our society, kasi there’s saying na kailangan mag-asawa muna.

“Ako kasi, whatever works for other people, I respect that. It’s their choice.

“Wala naman tayong magagawa run. It helps other people save money also.”

Sa kanilang dalawa, magwu-work din kaya ang live-in arrangement?

Pahabol niya, “I’m not sure yet. We have each other’s place naman so that works for us.

“We’ll never know. We’re of age naman na.

“Twenty-seven na 'ko. Thirty na si Mikael.

“I mean, if ever that would happen and we’ll eventually do that...

"Well, we’ve been together for so long so if it that happens eventually, we’re adults and I think we can make adult decisions.

“I don’t think if we’ll do eventually get into that, we’re not hurting anyone around us.

“So yun lang naman sa akin. If they do, okay. If they don’t, okay lang din naman.”

NOT PRESSURED TO GET MARRIED. Kahit marami na sa kanyang mga kaibigan ang nagsipag-asawa na kamakailan, hindi naman daw nakakaramdam ng pressure si Megan na sumunod sa kanilang mga yapak.

Paglinaw niya, “Hindi naman ako napi-pressure kahit marami akong kaibigang ikinakasal.

“I don’t feel any pressure and happy lang. If it comes, it comes. I mean, no rush, honestly.

“And I think, Mikael and I have thought about it na no rush.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung ma-feel namin na ito na ang right time, it would be the right time.

“I mean, we’ve been together for so long and we’re just simple people with the way we live our lives.

“Simple in other terms.” 

“THROWBACK” POST. Tinanong din namin si Megan kung bakit tila bigla siyang napa-throwback sa naging Instagram post niya kamakailan lang kunsaan, nai-post niya kung paano sila unang nagkakilala, at may kinalaman ang jacket dito.

Pagklaro ni Megan, “Yung picture, hindi yung throwback.

“Parang wala lang... naghahanap kasi ako ng picture na puwedeng i-post.

“'Tapos, nakita ko yung picture na naka-ganun siya sa jacket.

“Parang naalala ko lang. 'Okey, let’s share this moment.'”

Nararamdaman ba niya na sila na talaga ni Mikael hanggang sa next level ng relasyon nila?

“I hope so,” saad niya.

“I hope so and that’s something we always hope for in a relationship.

“And you know in my heart, Mikael is the only one.”

Sa pitong taon ng relasyon nila, may pagkakataon na nagkaroon sila ng isyu ng third party?

“Wala, sa amin wala,” mabilis niyang sagot.

“Usually yung mga away namin which is very seldom lang is about communication lang like not addressing a problem right away.

“Ayaw niya kasi yung nagtatagal na away.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN