Angelu de Leon shrugs off judgmental comments amid ongoing struggle with Bell's Palsy

IMAGE Noel Orsal

Angelu de Leon shrugs off negative comments amid her ongoing struggle with Bell's Palsy: "Kilala mo naman ako, dati pa na dedma naman ako sa kung anong sasabihin nila. One thing I know, kung anuman yung sinabi nila, nasabi ko na rin sa sarili ko."


Nagpahayag ng kanyang pagka-ilang si Angelu De Leon sa pagkakaroon niya ng Bell’s Palsy.

Ayon sa www.webmd.com, ang Bell's Palsy “is a condition in which the muscles on one side of your face become weak or paralyzed. It affects only one side of the face at a time, causing it to droop or become stiff on that side. It's caused by some kind of trauma to the seventh cranial nerve, which is also called the “facial nerve.”

Sa trailer-teaser ng bagong GMA-7 daytime series na The Stepdaughters na pinagbibidahan nina Angelu, Katrina Halili, Megan Young at Mikael Daez, mapapansin pa rin ang kaunting deformity sa isang mata at parte ng labi ng aktres.

Pag-amin niya, “Ako talaga minsan yung naku-conscious, specially may panahon na siyempre, pagod ka na sa taping at kailangan mo pang umiyak ng 1:30 in the morning, yung mga gano'n.

“Kasi doon siya nag-aapekto.

“Parang tina-try niya ulit gumana yung nerves ko sa face.

“Parang slowly now after a year, medyo mas nagre-recover na akong mabuti.

“Medyo hindi na masyadong nahahalata.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Angelu matapos ang presscon proper ng The Stepdaughters nitong nakaraang Biyernes ng gabi, Feb. 2, na ginanap sa Prime Hotel, Sgt. Esguerra Ave., Quezon City.

SHRUGGING OFF JUDGMENTAL COMMENTS. Patuloy niya sa interview, “Nakaka-conscious.

“Pareho siguro ng mga nasasabi ng mga tao, ng mga nakakakita, ‘Ay, gano'n?’

“Depende na lang kung type mo ako. Kung hindi mo ako type, I’m sure mas malait yun.”

Naiinis ba si Angelu kapag may mga judgmental at mas naiilang pa kaysa sa kanya?

Mabilis na sagot ni Angelu, “Hindi, kasi lagi kong sinasabi, kung sino ang nakakaintindi, siya yung umiintindi.

“Parang I would never...

“Kilala mo naman ako, dati pa na dedma naman ako sa kung anong sasabihin nila.

“One thing I know, kung anuman yung sinabi nila, nasabi ko na rin sa sarili ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I think my strength relies on my faith in God.

“Yung parang it happened, I can’t do anything about it, but I’m still thankful that it’s slowly going back to my normal... and I keep on praying.

“Minsan tinatanong ko pa si God.

“Kung yun talaga ang will Mo, wala naman akong magagawa. I only submit to His will.”

ONGOING THERAPY. Hanggang ngayon ay nagti-therapy pa rin daw si Angelu.

Kuwento niya, “Yung medication itinigil ko na.

“Nag-prednisone ako for a while.

“Because of that, after ko siyang tinigil, nagkaroon ako ng withdrawal.

“So, nagkaroon ako ng hormonal imbalance. Ang lala ng nangyari sa akin noon.”

THANKFUL FOR BLESSINGS. Sa gitna ng kanyang healing process, hindi na raw nagawang maging bitter ni Angelu.

Masaya nyang sabi, “Sakto nga sabi ko noon how can I be negative inspite of what happened to me?

“I have a billboard now in EDSA, yung Marie France. Alam mo yun?

“Parang sabi ko nga, I cannot take the credit. All Glory to God.

“Lord, after magka-Bell’s Palsy ako, saka pa akong nagka-billboard.”

Nagsimula sa pagiging teenstar si Angelu sa youth-oriented show na T.G.I.S. na kinabilangan noon nina Dingdong Dantes, Antoinette Taus, Anne Curtis, Sunshine Dizon, Bobby Andrews, Rica Peralejo, Ciara Sotto, Onemig Bondoc at marami pang iba pa na hindi na masyadong active sa showbiz gaya nina Red Sternberg at Raven Villanueva.

Kumpara sa kanyang mga kasabayang artista noon, masasabing suwerte pa rin si Angelu dahil aktibo pa rin siya sa showbiz at nabibiyayaan pa rin siya ng mga acting projects, kahit nga ngayon na mayroon siyang pinagdaraanang karamdaman.

Lahad niya, “I guess malaking factor yung professionalism.

“Malaking factor yung humility na bawat project, maliit o malaki, maikli o mahaba, parang I’m grateful.

“Sabi ko nga, GMA-7 has got my back.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Parang hindi naman ako nawalan ever since after TGIS, nandiyan pa rin sila talaga.”

Ang huling serye ni Angelu ay ang Mulawin noong nakaraang taon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN