Bela Padilla to invite Angel Locsin, Neil Arce to Meet Me in St. Gallen premiere night

IMAGE Noel Orsal / Mark Atienza

Bela Padilla says she doesn't see anything wrong with inviting Angel Locsin and former boyfriend Neil Arce to the premiere of her upcoming movie, Meet Me in St. Gallen, on February 6: "Wala po akong isyu sa buhay ngayon."


Iimbitahan daw ni Bela Padilla sina Angel Locsin at Neil Arce sa premiere night ng Meet Me in St. Gallen.

“Yes, I will talaga! Pag malapit na.

“Kasi alam kong busy na tao si Angel. Ang dami niyang trabaho.

“Si Neil din merong movie with Direk Joyce.

“Pero kasi, alam kong barkada rin nila si Direk Joyce [Bernal], si Direk Irene [Villamor], si Papa P [Piolo Pascual], si Erickson [Raymundo].

“So ayokong mailang sila [Angel and Neil] na baka gusto nilang suportahan itong mga ito [Joyce, Irene, Piolo and Erickson] pero baka iniisip nila ako.

“Kaya ako na mismo ang magte-text pag malapit na,” pahayag ni Bela sa presscon ng Meet Me in St. Gallen noong January 26 sa Plaza Ibarra, Timog Ave., Quezon City.

Naka-schedule ang premiere night ng pelikulang Meet Me in St. Gallen sa Martes, February 6, sa Cinema 7 ng Trinoma sa Quezon City.

Ito ay sa direksyon ni Irene Villamor at produced ng Viva Films at ng Spring Films nina Joyce Bernal, Erickson Raymundo at Piolo Pascual

Wala naman daw isyu si Bela kina Neil (na ex-boyfriend ni Bela) at Angel (na girlfriend ngayon ni Neil).

“Wala po akong isyu sa buhay ngayon,” deklara niya.

CAREER BEFORE LOVE? In full swing ang career ni Bela ngayon.

Naging matagumpay sa takilya ang movie niyang 100 Tula Para Kay Stella, pero loveless siya.

Naniniwala ba siya na kapag masuwerte sa career ay zero ang lovelife and vice-versa?

“Parang. Kasi you prioritize one, e.

“Tsaka parang ganun yung nangyari sa akin,” at tumawa si Bela.

Maganda nga kasi ang takbo ng career niya.

“I’m happy, thank you!

“Siguro kasi yung focus mo hindi nahahati.

“Iyon, imbes na mag-date ka, nami-mix ko yung trabaho sa ibang bagay, nakakapag-classes ako in scriptwriting.

“Dahil wala kang ibang pinagkakaabalahan, puwede kang mag-focus sa sarili mo,” lahad niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

WORKING WITH ANGEL? Papayag ba si Bela kung sakaling magkakasama sila sa pelikula ni Angel!

Mabilis niyang sagot, “Oh, I would love to do a movie with Angel!”

Halimbawang kontrabida siya ni Angel sa pelikula?

“Why not? It’s a role.

“Magaling kasi si Angel kaya isa siya sa mga gusto kong makatrabaho,” pagpuri niya.

MOVIE PROJECTS. Pagkatapos ng Meet Me in St. Gallen ay may dalawang pelikulang nakalinya para kay Bela.

Sa isa rito ay kapareha niyang muli si JC Santos (na leading man niya sa 100 Tula Para Kay Stella), at malamang ay sa Hawaii raw gagawin ang shooting.

Parehong wala pang titulo ang dalawang pelikula.

Samantala, showing na sa mga sinehan ang Meet Me in St. Gallen sa February 7 kung saan si Carlo Aquino (as Jesse) ang leading man ni Bela (as Celeste).


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN