Vicki Belo attends ex-husband Atom Henares's wedding

IMAGE Instagram

Dr. Vicki Belo (third from left) and Dr. Hayden Kho Jr. were present at the wedding of Belo's ex-husband, Atom Henares, to non-showbiz girlfriend Nathalie. 


Dumalo si Dr. Vicki Belo sa kasal ng kanyang ex-husband na si Atom Henares at non-showbiz partner nitong si Nathalie, na ginanap sa Antonio's, Tagaytay City, noong Biyernes, February 2.

Kasama rin ng celebrity doctor ang kanyang asawang si Hayden Kho Jr. at ang kanilang two-year-old daughter na si Scarlet Snow Belo.

Sa pamamagitan ng Instagram, binati ni Vicki ang kanyang dating asawa at si Nathalie.

Aniya, sana raw ay magkaanak na sila para magkaroon ng kalaro si Scarlet.

Mensahe ni Vicki para sa newlyweds, “Congratulations to the newlyweds Atom and Nathalie Henares.

"your wedding was beautiful and touching and you 2 are perfect for each other.

"May God continue to bless your union and may @scarletsnowbelo have a playmate from you soonest."

Marami namang netizens ang pumuri sa magandang relasyon ng dating mag-asawa.

Sa Instagram post ni Tim Yap, sinabi niyang posible palang maging matalik na magkaibigan ang ang ex-partners, kagaya nina Vicki at Atom.

A post shared by Tim Yap (@officialtimyap) on

Nang ikasal sina Vicki at Hayden noong September 2017 sa Paris, France, dumalo rin sina Atom at Nathalie.

Sina Vicki at Atom ay may dalawang anak—si Cristalle at ang direktor na si Quark.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN