Ellen Adarna reacts to "hindi maka-move on" comment of IG follower

IMAGE Courtesy: @maria.elena.adarna on Instagaram

Nananatiling tahimik sina Ellen Adarna at John Lloyd Cruz tungkol sa hugot lines ng ex-girlfriend ng aktor na si Angelica Panganiban. 


Kahapon, February 4, nag-post si Ellen Adarna sa Instagram ng throwback photo kung saan kasama niya ang boyfriend na si John Lloyd Cruz at ang anak ng kaibigang si Beauty Gonzalez.

Isang follower ang nagkomento, sa wikang Bisaya, tungkol sa isang "feelingera" na hindi pa raw "maka-move on."

Ayon kay @ofw_hinanaings: “Besh, pasuyaa ug maayo tong feelingera besh bhe kay makalagot sya di gihapon ka move on uy!!! Peshtey!!!”

("Besh, pagselosin mo lalo yung nagpi-feeling besh ha kasi nakakainis na siya hindi pa talaga maka-move on uy!!! Peste!!!")

Sagot dito ni Ellen: “@ofw_hinanaings makaingun to ug ‘ay kog labda dzai.’”

("Huwag niyo akong gawing sakit ng ulo, Dai.")


Nitong mga nakaraang linggo ay naghayag si Angelica Panganiban ng hugot lines tungkol sa isang ex-boyfriend at sa bago nitong karelasyon.

Wala mang binanggit na pangalan ang Kapamilya actress, marami ang naniniwalang ang tinutukoy nito ay ang ex-boyfriend na si John Lloyd at ang girlfriend ngayon ng aktor na si Ellen.


Stories We Are Tracking

Angelica to ex-BF's new GF:
Angelica to ex-BF's new GF: "Inagaw mo lang 'yan sa akin!"
Angelica alludes to resentment towards new GF of her ex-BF
Angelica alludes to resentment towards new GF of her ex-BF

Samantala, hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsasalita si Ellen sa publiko ang tungkol sa kanyang pagbubuntis.

Late last year, eksklusibong ibinalita sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang kanyang pagdadalantao sa una nilang anak ni John Lloyd.

Nag-leave of absence si John Lloyd sa showbiz, at simula noon madalas na silang makitang magkasama ni Ellen.

Napapabalita pa ngang nagpaplano na silang magpakasal at magpapatayo na ng sariling bahay. 


Stories We Are Tracking

Are John Lloyd and Ellen getting ready to live together?
Are John Lloyd and Ellen getting ready to live together?
John Lloyd Cruz and Ellen Adarna start wedding prep
John Lloyd Cruz and Ellen Adarna start wedding prep


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN