Who is Jenine Desiderio referring to in this cryptic message?: "Makapal na, sinungaling pa."

IMAGE Courtesy: Jenine Desiderio on Facebook

Kahit nagpaparamdam si Jenine Desiderio (nasa larawan) ng kanyang disgusto kay Elmo Magalona para sa anak na si Janella Salvador, hindi pa rin direktang pinapangalanan ng singer-actress kung sino ang kanyang pinasasaringan sa mga post niya sa social media. 


“Makapal na, sinungaling pa.”

Ito ang makahulugang Facebook post ng singer-actress na si Jenine Desiderio noong Biyernes, Pebrero 2.

Hindi man pinangalanan kung sino ang pinatatamaan niya, marami ang humuhulang ito ang sagot ng ina ni Janella Salvador sa pagtanggi ni Elmo Magalona na nag-gatecrash siya sa family reunion nina Jenine noong December 2017.

Matatandaang noong December 27, 2017, nag-rant si Jenine sa kanyang Facebook tungkol sa pangyayari.

Sabi ng ina ni Janella: “How dare you gate crash both sides of our family’s Christmas reunions.

"Do you really just do this as in come uninvited? And how could you enjoy knowing i did not come in knowing you were there?

"My family’s too decent to make you leave but you think you’re welcome & accepted?

"Think again. If you can. #angkapal.”

Sinamahan pa ito ni Jenine ng hashtag na #angkapal.

Nitong January 29, 2018, mariing itinanggi ng My Fairy Tail Love Story star na si Elmo ang tungkol sa “gatecrashing” issue.

Pahayag ng 23-year-old Kapamilya actor, “Wala po. Hindi po ako [naggaganun].”


Stories We Are Tracking

Elmo Magalona reacts to Jenine Desiderio's gatecrasher post
Elmo Magalona reacts to Jenine Desiderio's gatecrasher post

Noon pa mang 2017 ay nagpahiwatig na si Jenine ng kanyang disgusto kay Elmo para sa kanyang 19-year-old daughter.

Ngunit hindi pa rin niya direktang pinangalanan ang binata sa kanyang cryptic posts sa Twitter o Facebook.


Stories We Are Tracking

Is Jenine referring to Elmo in her loaded tweets?
Is Jenine referring to Elmo in her loaded tweets?
Jenine tweets warning to mystery guy linked to Janella
Jenine tweets warning to mystery guy linked to Janella


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN