Kim Chiu on Xian Lim's decision to transfer to Viva: "Nagulat ako, in a way."

IMAGE Nerisa Almo

Kim Chiu says her love team with Xian Lim will still continue despite the actor's decision to move to another talent management. "Kasi same network naman kami. Parang iba lang ang management, pero it's just the same," she explains.


Bahagyang ikinagulat ni Kim Chiu ang naging desisyon ng ka-love team na si Xian Lim na lumipat sa ibang talent management.

Ayon kay Kim, isa siya sa mga nahingan ng payo ni Xian tungkol sa plano nitong pag-alis sa Star Magic, ang talent management ng ABS-CBN.

Ang Star Magic din ang namamahala sa showbiz career ni Kim.

Gayunman, hindi raw alam ni Kim ang naging desisyon ni Xian.

Pahayag ng Kapamilya actress, “Isa ako sa mga tinanong niya, and sa dami naman ng pinagtanungan niya, napagsama-sama naman niya siguro.

“Hindi niya kasi sinabi until... itinago niya muna sa self niya.

“Ganun naman si Xian kapag hindi pa siya go.

“Parang kapag bibili siya ng car, magugulat na lang ako, 'Uy, sunduin kita, ha.' 'May bagong kotse ka na naman.'

“Maano naman siya mag-decide para sa sarili niya.”

Kaya nang malaman daw ni Kim ang balita, “Nagulat ako, in a way.

“Pero I'm happy if he's happy with this decision, and alam naman niya na susuportahan ko siya every step of the way.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ABS-CBN News si Kim sa press conference na inihanda ng iflix para sa kanya sa Rockstar KTV Bar sa SM Aura, Taguig City, noong Sabado, January 3.

Sinubukan ba niyang pigilan si Xian?

Natawang sagot ng Ghost Bride actress, “Grabe kayo!

"Ako, hindi naman ako nangingialam, e, when it comes to work, kung ano ang desisyon niya.

“Hands-off kami sa isa't isa pagdating sa work.”

Isa sa mga unang naging tanong nang lumabas ang balita tungkol sa paglipat ni Xian ay kung dadalang na ang mga proyekto ng kanilang love team, ang KimXi.

Sa palagay ni Kim, wala namang malaking pagbabagong maidudulot ang paglipat ni Xian ng talent management.

“Hindi naman, kasi same network naman kami.

“Parang iba lang ang management, pero it's just the same, the supporters are still there.” 

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa niya, kahit naman daw noong pareho pa silang nasa Star Magic, naipa-partner na sila sa iba.

Aniya, “Hindi naman siguro [magbabago] kasi kahit naman magka-camp kami, iba pa rin ang pina-partner sa amin.”

Sa huling teleserye ni Kim na Ikaw Lang Ang Iibigin, ang katambal niya ay ang dating boyfriend na si Gerald Anderson.

Sa susunod niyang pelikula sa Star Cinema, na isang horror-comedy film, ay makakapareha naman niya ang komedyanteng si Ryan Bang.

Samantala, si Xian naman ay bida sa pelikulang Sin Island, kung saan kapareha niya sina Coleen Garcia at Nathalie Hart.

Makakasama rin ang aktor sa Pinoy adaptation ng hit Korean movie na Miss Granny, na pagbibidahan ni Sarah Geronimo.

Kabilang din sa pelikula ang kapwa nila Viva artist na si James Reid.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN