Regine Velasquez recalls first visit to gay bar: "Sobrang nag-enjoy ako."

IMAGE Noel Orsal

Regine Velasquez on being a gay icon: "I just feel very blessed na ibang henerasyon na, pero parang nandito pa rin naman ako, nakikita pa rin ako."


Kung may pagkakataon, nais ulitin ni Regine Velasquez ang paglabas niya kasama ang kaibigang gay designers.

Sobrang natuwa raw kasi siya nang isama siya ng mga kaibigan sa O Bar sa Ortigas, Pasig City, noong December 2017.

Naging viral pa sa social media ang video kung saan kinakanta niya ang “Tuwing Umuulan” kasama ang isang Regine Velasquez impersonator.

“First time ko sa O Bar, dinala pa nila ako, trineat pa nila ako.

“Sobrang masaya. I want to go out with them again kapag magkakaroon ako ng time, kasi parang nagkaroon na kami ng grupo,” sabi ni Regine nang tanungin ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa kanyang pagbisita sa nabanggit na gay bar.

Dagdag na kuwento ng Asia's Songbird, “Natuwa din naman ako.

“Pumunta ako dun kasi nabalitaan ko nga na may nag-i-impersonate sa akin doon.

“Natuwa naman siya noong nagpunta ako, pati yung ibang mga bakla, natuwa na rin.

“Actually, sobrang nag-enjoy ako.

“I haven't been going out and I don't really go out.

“I only go out with my husband. Yung kami, nagdi-date kami.

“Pero with friends, I hardly do it.

“I had a great time talaga noong gabi na yun.

“'Tapos parang pinaagahan yata nila yung show kasi late na nag-i-start.

“Pinaagahan nila, so na-appreciate ko yun.

“Thank you very much sa lahat ng mga taga-OBar and, siyempre, sa lahat ng mga baklang kasama ko.”

GAY ICON. Bago ito, nag-host din si Regine ng dinner para sa kanyang gay designer friends bilang pasasalamat sa patuloy nilang pagsuporta sa kanya.

“Nagpa-dinner din ako sa bahay to say thank you to them.

“Kasi, whenever I have a concert, laging libre yung mga gowns para sa akin.

“Para sa akin, I wanted to let them know lang that I appreaciate what they're doing for me.

“Kasi mahal ang mga gowns, so kung makakaawas kami dun, parang malaki ang bawas nun para sa concert.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sobrang naa-appreciate ko yung mga designers, na hindi na talaga designers ang tingin ko sa kanila, they're my friends.”

Bukod sa kanila, malaki rin ang pasasalamat ng Kapuso Diva dahil patuloy siyang hinahangaan ng maraming bakla sa Pilipinas.

Sa katunayan, tinagurian na siyang local gay icon dahil sa dami ng mga nag-i-impersonate sa kanya.

Pahayag ni Regine tungkol dito, “I just feel very blessed na ibang henerasyon na, pero parang nandito pa rin naman ako, nakikita pa rin ako.

"Naa-appreciate ko rin naman yun.

“Siyempre, yung trabaho, mahal ko naman talaga yung trabaho ko.

"Bata pa ako, ito na yung ginagawa ko.

“Kaya magpahanggang ngayon, I feel very blessed, kasi I'm still given the opportunity to perform, kahit saan ako pumunta, nakikilala pa rin.

“Malaking bagay yun kapag artista ka o singer ka, malaking bagay yun sa amin.

“Nakakataba rin ng puso kapag may message sa Instagram or Twitter na excited silang manood.”

Muling mapapanood si Regine para sa pre-Valentine concert na #PaMORE na gaganapin sa Mall of Asia Arena, sa February 10.

Kasama niya sa concert na ito ang asawang singer-songwriter na si Ogie Alcasid, ang Concert King na si Martin Nievera, at ang Prince of Pop na si Erik Santos.


Stories We Are Tracking

Regine Velasquez on losing stardom:
Regine Velasquez on losing stardom: "Accepted ko na yun."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN