Sunshine Cruz explains why she prefers non-showbiz guys for daughters

IMAGE Sunshine Cruz Instagram

Sunshine Cruz on future suitors of her daughters: "Hindi naman ako choosy, basta mabuti lang yung intensiyon sa anak ko."


Kung si Sunshine Cruz ang masusunod, gusto niyang hindi tiga-showbiz ang maging boyfriend ng kanyang tatlong anak na babae kung nasa tamang edad na ang mga ito.

Paliwanag ng aktres, “After what I’ve experienced, I think mas okey talaga siguro for now yung non-showbiz para mas normal yung buhay nila.”

Pero wala pang boyfriend ang alinman sa kanyang mga anak na sina Angeline Isabelle, Angel Franchesca, at Samantha Angeline.

Sabi niya, “Hindi, wala pa… sixteen pa lang yung eldest ko, thirteen, and twelve. 

“My goodness, they’re still babies. They’re still my babies.

“Pero siyempre naman, matatanggap natin yun na darating ang panahon na magkakagusto.

“Pero sabi ko, kung merong may gusto sa kanila, kailangang manligaw at pumunta ng bahay at makilala. Kung talagang malinis ang intensiyon.”

Sabi pa ni Sunshine, “They’re very open.

“Yun ang naging deal ko nung maging single ako, ‘We have to be honest with each other, whatever you feel, so that I can explain things to you and vice versa.

“‘If someone is courting Mommy, I’ll let you know, I’ll show the photos.’

“Ganun kami. Ever since, we’re open. And it’s working.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sunshine sa farewell presscon para sa ABS-CBN drama series na Wildlfower nong January 31.

NOT CHOOSY. Alam naman daw ni Sunshine na darating ang panahong may magkakagusto sa kanyang mga anak.

“Not for anything, hindi naman ako choosy, basta mabuti lang yung intensiyon sa anak ko, tatanggapin lang namin nang maayos.

“Hindi naman po tayo bastos. 

“Basta dumalaw nang maayos, magpakita sa bahay… ilalabas ko yung granada ko sa gitna.

“Kakausapin ko siya habang may granada sa gitna!” biro niya.

Kinumpirma naman ni Sunshine na nagkakausap ang mga anak niya at ang ama nilang si Cesar Montano.

“Oh, yeah, dahil nga sa sasakyan na kailangang palitan, nawalan na ng preno. They are in touch with their father.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sila naman daw ni Cesar ay sa korte na lang daw nagkikita.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN