Marian Rivera reiterates support to husband Dingdong Dantes if he enters politics

IMAGE Noel Orsal

Kapuso star Marian Rivera on the possibility of husband Dingding Dantes entering politics: "Para sa akin, hindi problema 'yan sa akin dahil, if ever, alam kong malaki ang maitutulong niya."


Buo ang suporta ni Marian Rivera kung sakaling magdesisyon ang kanyang mister na si Dingdong Dantes na tumakbo bilang senador.

Ngayon araw, February 5, ipinahayag ng 33-year-old Kapuso actress ang kanyang suporta sa asawa sa press conference para sa contract renewal niya sa GMA Network.

Pahayag ni Marian, "Si Dong, kung if ever man na tatakbo siya, wala akong nakikitang masama kung tatakbo yung asawa ko.

"Dahil alam naman ng lahat, ng bawat isa dito, kung gaano kabuti ang puso ng asawa ko.

"So, kung ano ang gusto niya sa buhay, susuportahan ko siya 101 percent."

Pero hindi pa naman daw nila napag-uusapan ang bagay na ito.

Saad ng Sunday PinaSaya star, "Hindi ko alam sa kanya, wala pa naman sinasabi, di ba? 

"Pero if ever, sabi ko nga, if ever, well, susuportahan ko nga yung asawa ko kung anuman ang gusto niya.

"Dahil naniniwala ako sa kakayanan niya at alam ko na mabuti siyang tao."

Handa rin kaya si Marian sa mga batikos kung sakaling tumakbo si Dingdong sa eleksyon?

Tugon niya, "Hindi ko pa 'yan naiisip kasi hindi pa naman siya pumapasok.

"So, bakit ko poproblemahin at iisipin 'yan?

"Pero para sa akin, hindi problema 'yan sa akin dahil, if ever, alam kong malaki ang maitutulong niya."

Makailang ulit na ring tinanong ng press si Dingdong kung may plano siyang pasukin ang public service.

Ngunit sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa kanya noong August 2017, sinabi ng aktor na wala pa siyang balak pasukin ang pulitika.


Stories We Are Tracking

Dingdong Dantes firm in shunning politics
Dingdong Dantes firm in shunning politics
Will Dingdong Dantes enter politics in 2019?
Will Dingdong Dantes enter politics in 2019?
<p>Marian Rivera confirms Dingdong Dantes will not run in 2016&l

Marian Rivera confirms Dingdong Dantes will not run in 2016&l


MARIAN AS PUBLIC SERVANT? Samantala, tinanong din ng press si Marian kung ni minsan ba ay sumagi rin sa isip niya ang pasukin ang public service, lalo na't marami rin siyang sinusuportahang adbokasiya.

Bilang ambassador for Women and Children with Disabilities, isa sa mga sinusuportahan ni Marian ay ang non-profit organization na Smile Train na tumutulong maibalik ang ngiti sa mga batang may cleft lip at cleft palate.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon sa Kapuso star, hindi sumagi sa kanyang isip ang pumasok sa pulitika dahil nais lang niyang makatulong sa mga nangangailangan.

Paliwanag pa nito, "Yung mga ginagawa kong charity o pagtulong, e, gusto ko siya. 

"Ginagawa ko siya at dun ko nararamdaman na makabuluhan yung buhay ko at ang pagiging artista ko kapag may nagagawa akong mga ganun."

Nais din daw ni Marian gamitin ang kanyang impluwensiya para sa makubuluhang bagay upang maging mabuting ehemplo sa anak na si Zia.

Pahayag niya, "Ang salitang reyna o Prime Time Queen, lubus-lubos ang pasasalamat ko sa GMA na ibinigay sa akin ang title na 'yan.

"Pero siguro, ang mas mahalaga doon, e, kung paano binibigyang inspirasyon yung ibang tao sa ginagawa mong trabaho.

"Ako siguro, lalo na ngayon may anak ako, malaki ang responsibilidad ko na kung ano yung makikita ng anak ko, kailangan lahat yun, okay.

"Kasi, for sure, kung ano yung nakikita ng mga bata, yun yung gagayahin nila.

"So, gusto ko maging magandang ehemplo, especially ngayon na nanay na ako.

"Kaya nga sa bawat ginagawa ko, makahulugan, hindi yung basta-basta lang. 

"And of course, hindi lang sa nanay, sa tatay, o whatever, siguro sa buong pagkatao mo, kung paano mo gagawin makabuluhan yun, siguro sa pagtulong din sa ibang tao."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN