Angelu de Leon wants to change legal names of her two daughters

IMAGE Noel Orsal

Angelu de Leon wishes fervently for her two daughters to be legally adopted by their stepfather. "God willing, God willing one hundred percent. We travel a lot as a family, parang sila, De Leon…" she rues.


Pareho nang dalaga ang dalawang anak na babae ng aktres na si Angelu de Leon—sina Nicole, 19, at Louise, 16.

Si Nicole ay anak ni Angelu sa aktor na si Joko Diaz, at si Louise ay anak naman niya sa businessman na si Jojo Manlongat.

Rivera na ngayon ang ginagamit na apelyido ni Angelu dahil sa mister niyang si Wowie Rivera, kung saan mayroon silang isang anak na lalaki—si Rafa, 5.

Pero sina Nicole at Louise ay De Leon pa rin ang apelyidong ginagamit.

May batas na sumasaklaw para mapalitan sa Rivera ang mga apelyido ng dalawang anak ni Angelu.

Ang kailangan lang ay i-adopt ni Wowie sina Nicole at Louise para maging Rivera na rin sila legally.

Pahayag ni Angelu, na tila nanghihinayang, “We’re weighing things, of course we want to. 

“Pero may ibang factors na kailangan pang intindihin.”

Nilinaw ni Angelu ang ibig niyang sabihin, pero off the record.

May kinalaman kasi ito sa background ng kanyang mister.

“Ang hirap, di ba, kaya ang hirap sabihin,” paliwanag ng 38-year-old actress.

Ipinagdadasal daw ni Angelu ang solusyon sa pag-adopt ng kanyang mister sa dalawa niyang anak.

Sabi pa niya, “God willing, God willing, one hundred percent.

“We travel a lot as a family, parang sila, De Leon…”

Ang tinutukoy ni Angelu ay ang mga pangalan sa pasaporte nila.

Tatlo silang Rivera at dalawa sa kanila ay De Leon.

Pagpapatuloy niya, “Kaya kapag pumipirma ako ng any other document, I still put De Leon-Rivera. 

“I don’t want them [her daughters] to feel that I’m a Rivera.

"Alam naman nila ang situation… wala silang middle name."

Lahad pa niya sa hindrance sa side ni Wowie, “Basta, mas more nga on my husband side.

“Kasi siyempre, yung isa niya doon, lalaki. Basta ayaw lang namin na… ang hirap sabihin.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Angelu sa presscon para sa bagong daytime series ng GMA-7, ang The Stepdaughters.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ginanap ito Biyernes ng gabi, February 2, sa Prime Hotel sa Quezon City.

MODERN FAMILY. Ang ama ni Nicole na si Joko Diaz ay may anak din sa asawa ni Gabby Eigenmann na si Apples Arizabal.

Nagkaanak si Apples kay Joko bago pa niya nakilala si Gabby.

Sa isang interview kay Gabby, sinabi nitong inaayos na niya ang adoption ng panganay na anak ni Apples.

Hindi na kinumpirma ni Gabby kung naisalin na sa kanyang pangalan ang apelyido ng anak ni Apples kay Joko.

Ayaw na niyang magbigay ng detalye tungkol dito.

Alam daw ni Angelu ang tungkol sa kapatid ni Nicole kay Joko at sa napabalitang adoption nito ni Gabby.

Banggit ng Kapuso actress, “Nagkausap kami ni Apples noon, sabi ko, ‘Go!’”

Magkakilala ba si Nicole at ang kapatid niya kay Apples?

“By picture, I know... personally, I don’t think so.”

Wala ba siyang balak na ilapit si Nicole sa iba niyang mga kapatid?

Nakangiting tugon ni Angelu, “Maliit naman ang showbiz, I’m sure magkikita at magkikita sila.

“One thing is, okey kami, wala nang isyu sa amin.

“Si Joko sa akin, si Joko sa asawa ko, si Joko kay Nicole, si Joko kay Apple, si Joko kay Gab.

“Wala na yatang ano, kumbaga, naayos na.”

Masasabi ba niyang napakasuwerte ni Joko?

Humalakhak muna si Angelu bago nagsalita, “You can put it that way!”

JOKO AND NICOLE. Si Joko ay napapanood sa action-serye ng ABS-CBN na FPJ’s Ang Probinsyano.

Tinanong ng PEP.ph si Angelu kung ano ang nararamdaman ng anak niya kapag napapanood nito ang ama sa telebisyon.

Nakangiting sagot ng aktres, “Natatawa lang siya,” pero tinatanong daw nito, “Do I look like him?”

Hindi rin daw sigurado ni Angelu kung gaano kadalas mag-usap sina Joko at Nicole.

Sabi niya, “I don’t know, pero minsan meron naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi nung si Nicole 13, 14, nung time na si Nicole nagkaroon ng cell phone...

"I told Joko na, 'Kayo na yun, kung gusto niyong magplano.'

“Nasa tamang edad na rin yung anak ko, sabi ko nga lang sa kanya, walang overnight.”

Ikinuwento rin ni Angelu ang naalala niyang pagkikita ng mag-ama.

“There was a time na mag-i-eighteenth birthday si Nicole, nagkita yata sila sa Greenhills. 

“Hindi naman sadya, parang they just bumped into each other.”

Papasa bilang artista si Nicole, pero ayon kay Angelu, wala itong planong pasukin ang showbiz.

Aniya, “Tinatanong ko siya, natutuwa naman ako sa sagot niyang mag-aral. 

Kanino siya nagmana?

“Hindi sa akin, hindi ko na gustong mag-aral, 'no! Pero siguro kasi kung paano siya lumaki. 

“Natutuwa ako kasi, sabi ko, hindi ako nakapagtapos, ngayon gusto niyang mag-aral.

"Sobrang blessing niya sa akin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN