Rapper John Roa explains decision to leave Ex Battalion

IMAGE Jojo Gabinete

Rapper and songwriter is one of the original members of the hip-hop group Ex Battalion, but he left the group before their hit song "Hayaan Mo Sila" was released.


Tumiwalag sa Ex Battalion ang rapper at songwriter na si John Roa, pero nilinaw nitong maayos ang pagpapaalam niya sa kanyang grupo na umawit ng monster hit song na "Hayaan Mo Sila."

Lahad ni John sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "Nakasali ako sa Ex Battalion last 2016.

"I tried to blend in by studying hip-hop R&B hanggang napag-usapan namin, kalagitnaan ng 2017, nasabi ko na gusto kong mag-explore sa music ko.

"Gusto ko naman na makilala ng ibang tao kung ano pa yung kaya kong gawin sa music ko.

"Napag-usapan namin na mag-leave ako by August 2017, pero naging public siya nung December.

"Okey naman po kami, pero hindi na siya yung bond na nangyayari before.

"Kasi, as a group, hindi lang music yung ginagawa namin, may friendship din na nangyayari, so hindi na siya tulad nang dati.

"Pero when it comes to our music at pag-support sa isa’t isa, nandoon pa rin."

SPECULATIONS. Pinabulaanan ni John ang mga haka-hakang umalis siya sa Ex Battalion at pumirma ng kontrata sa Viva Artists Agency at Viva Records dahil sa kagustuhan niyang makilala bilang solo artist.

"Sabi nila, yung pag-alis ko sa group, dahil gusto ko na makilala na solo, hindi po.

"Gusto ko lang makilala ng tao yung totoong music ko, yung gusto ko."

Itinanggi rin ni John ang isyung tumiwalag siya sa Ex Battalion dahil nakikialam daw sa career niya ang kanyang ina.

Saad niya, "Ang nangyari po, naging isyu yung sa mom ko, personal issue nila ng head ng group, pero wala siyang koneksiyon sa pag-leave ko.

"Yung parents ko po kasi, before kasi ng 'Hayaan Mo Sila,' yung songs ng Ex Battalion, mostly lustful.

"I was sixteen years old that time, but I needed to blend in.

"Yung parents ko, yung family sa Cebu, wala silang nagawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tinatanong ako bakit ganoon yung songs ko.

"Naging kagustuhan ko na rin kasi, as an influence, nandoon ako sa group, I needed to study.

"Wala talaga akong idea when it comes to the underground world na hip-hop, so I needed to study that.

"Sumama ako sa kanila, sumabay ako sa kanila, sa mga ginagawa nila, sa kasuotan, lahat."

LUSTFUL SONGS. Nang tanungin ng PEP.ph tungkol sa "lustful songs" ng Ex Battalion, sumagot si John ng, "Lustful, I mean, songs that have words like 'I wanna f*ck you all night, I wanna f*ck you alright, you’re so beautiful.'

"Yun po ang concern ko sa kanila dati.

"Siguro po na-realize nila, nagkaroon din ng something na meron din akong point about yung image ng group."

Binanggit ni John na maririnig ang boses niya sa audio ng "Hayaan Mo Sila," pero hindi na siya kasama sa viral music video ng sikat na kanta ng Ex Battalion.

"Nung nag-release kami ng album, nandoon yung 'Hayaan Mo Sila.'

"Nandoon yung version ko, pero after that, nag-release sila ng music video, napag-usapan namin na magli-leave na ako.

"Nung nag-leave na ako, gusto nila na i-release muna ang album as Ex Battalion para, at least, malaman ng tao na may ganitong nangyari, nag-leave ako kaya naging curious ang mga tao, bakit ako nag-leave."

Hindi raw siya nabigyan ng kredito sa hit single ng Ex Battalion.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN