Marian Rivera insists she's never had problem with Karylle

IMAGE Noel Orsal

Marian Rivera on staying positive: "Wala naman akong mapapala kung iimpok ko sa sarili ang mga negative. Hangga't maaari, good vibes ka lang, relax. At saka, ano pa ba ang ia-ask ko, sobrang thankful na ako."


Nilinaw ni Marian Rivera na ang pagbabatian nila ni Karylle sa opening ng isang fashion store sa Greenbelt, Makati City, noong January 26, ang una nilang pagkikita.

Ito ay matapos sila parehong maugnay sa aktor na si Dingdong Dantes.

Si Karylle ang huling naging girlfriend ni Dingdong bago naging kasintahan at naging misis ng aktor si Marian.

Ayon kay Marian, “Noong Dolphy tribute, nagkita rin kami. So, okey naman.”

Ang tinutukoy ng Kapuso actress ay ang Dolphy Alay Tawa: A Musical Tribute na ginanap sa Mall of Asia Arena noong September 19, 2012.

Nitong huling pagkikita nila, nagtsikahan ba sila ni Karylle?

Sagot ni Marian, “Hindi, kasi nagkasalubong kami. ‘Hi, hi…’ may sinabi lang siya sa akin.”

Na gandang-ganda ito sa kanya?

“Ewan ko, basta yun na yun!” natatawang pag-iwas ni Marian.

Paglilinaw pa ng Kapuso actress, kahit noon pa man ay wala siyang naging problema sa Kapamilya singer-actress.

“Sabi ko nga, since day one, wala naman akong problema sa kanya. 

“And every time na nakakasalubong ko siya, okey naman ako at binabati ko naman siya.”

Good vibes lang?

“Oo, e, ano ba ang mapapala ko sa pagba-bad vibes?”


Stories We Are Tracking

Karylle bumps into Marian and Dingdong at an event
Karylle bumps into Marian and Dingdong at an event
Marian Rivera speaks up about recent encounter with Karylle
Marian Rivera speaks up about recent encounter with Karylle

Natawa naman at tila nagtaka si Marian nang tanungin kung kahit sa iba pang ex-girlfriends ni Dingdong ay okey na rin lahat.

May nagbanggit pa ng pangalan ng ex-girlfriend ng aktor na si Antoinette Taus.

Sabi ni Marian, “Wala rin naman akong problema sa kanya.

“At nagkita naman kami dati, nagbatian naman kami, at okey naman.”

Natatawang dugtong pa niya, “Wala naman talaga. Nang-iintriga kayo!”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Marian sa presscon para sa pagre-renew niya ng network contract bilang Kapuso.

Ginanap ang presscon sa 17th floor ng GMA Network Center ngayong Lunes ng umaga, February 5.

STAY POSITIVE. Hindi na raw talaga hinahayaan ni Marian ang anumang negatibong bagay sa buhay niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paliwanag niya, “Wala naman akong mapapala kung iimpok ko sa sarili ang mga negative.

“Hangga’t maaari, good vibes ka lang, relax.

“At saka, ano pa ba ang ia-ask ko, sobrang thankful na ako.”

Maging ang mga tagahanga niya ay sinasabihan daw ni Marian na huwag palapatol at gayahin siyang deadma lang.

Aniya, “Ilang taon na rin at alam na nila ang kalakaran sa showbiz.

“Ako naman mismo, sinasabi ko sa kanila na walang mapapala kung papatol sila.

“Gayahin nila ako—deadma, delete, block, tapos, di ba?”

Nangba-block pala siya?

“Of course!” natatawang sagot niya.

Pero hindi naman siya pumapatol sa bashers?

“Never naman akong pumatol,” pakli ni Marian.

May artista na ba siyang nai-block sa Instagram account niya?

“Never akong nangba-block ng artista na wala namang sinasabing masama,” nakangiting sagot niya.

ENCHONG DEE. Samantala, marami ang nagulat na malapit o magkaibigan pala sila ng Kapamilya actor na si Enchong Dee.

Napabalita kasi ang palitan nila ng mensahe nang mag-post si Enchong sa Instagram ng picture nila ni Marian.


Stories We Are Tracking

Marian and Enchong exchange messages on Instagram
Marian and Enchong exchange messages on Instagram

“Oo, kasi yung kuya niya, yung anak, inaanak ko,” sabi ni Marian, patungkol sa kapatid ni Enchong na si AJ Dee.

Magkasama sina Marian at AJ sa dati nilang manager na si Popoy Caritativo.

Dagdag pa ng Kapuso actress, “Actually, marami akong kaibigan sa kabila [ABS-CBN].

“At saka para sa akin, hindi ko naman kailangang ilantad na friends ko sila.

“Nagkakaintidihan na kami ng mga friendships ko dun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN