Karylle on latest encounter with Marian Rivera: "It was a beautiful moment."

IMAGE Noel Orsal

Ayaw nang magbigay ng detalye ni Karylle tungkol sa aksidente nilang pagkikita ni Marian Rivera sa isang event. Baka raw kasi ma-misintepret pa ito ng ibang tao.


“It was a beautiful moment.”

Ganito inilarawan ni Karylle ang aksidenteng pagkikita nila ni Marian Rivera sa isang event noong January 26, Biyernes.

Si Marian ang asawa ni Dingdong Dantes, na dating boyfriend ni Karylle.

Pahayag ng It's Showtime host, “For me kasi... it's so beautiful as it is.

“I don't wanna add to it kasi baka ma-misinterpret pa.

"So, it was a beautiful moment.

"And there, we can leave it at that, para less talk, less mistakes."

Ayaw nang magdetalye masyado ni Karylle tungkol sa pagkikita nila ni Marian, basta maayos naman daw ito.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang media si Karylle sa presscon ng upcoming concert niya, ang Date Night, ngayong Lunes ng hapon, February 5, sa isang restaurant sa Quezon City.

Samantala, sa hiwalay na panayam kay Marian ngayong araw rin, sinabi nitong wala naman talagang isyu sa pagitan nila ng ex-girlfriend ng asawa.

Pahayag ng Kapuso actress tungkol kay Karylle, “Sabi ko nga, since day one, wala naman akong problema sa kanya.

“And every time na nakakasalubong ko siya, okey naman ako at binabati ko naman siya.”


Stories We Are Tracking

Karylle bumps into Marian and Dingdong at an event
Karylle bumps into Marian and Dingdong at an event
Marian Rivera speaks up about recent encounter with Karylle
Marian Rivera speaks up about recent encounter with Karylle
Marian Rivera insists she's never had problem with Karylle
Marian Rivera insists she's never had problem with Karylle

DATE NIGHT. Hindi raw makakasama ni Karylle ang kanyang mister na si Yael Yuzon sa darating na Valentine's Day, February 14.

May concert kasi si Karylle, samantalang si Yael ay mayroong ding out-of-town gig kasama ang banda nitong Sponge Cola.

Ayon sa Kapamilya star, “He has his own show, on Valentine's Day, he is in Batangas.

"Hanggang Chinese New Year na 'yan, dire-diretso."

Kapag ganitong love month ay marami raw talaga silang trabahong mag-asawa.

Pero ayon kay Karylle, “We have our dates here and there.”

Excited na raw si Karylle sa kanyang Valentine's Day concert na Date Night.

Guests niya rito sina Kris Lawrence at ang "Tawag ng Tanghalan" semifinalists na sina Charles Kevin Tan at Froilan Canlas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Magiging chill night daw ito para sa mga in love, mga naghahanap ng pag-ibig, at mga umaasang makahanap ng kanilang forever.

Gaganapin ang Date Night sa Manila House, sa Bonifacio Global Center, Taguig City, sa mismong Valentine's Day.



WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN